Donny
Nagulat ako nung bigla siyang humikbi kaya naman bahagya akong lumayo sa kanya. Pero amoy ko pa din yung hininga nyang amoy strawberry kaya di ako masyadong lumayo. Tahan na...I'm sorry...
Kisses
Di ko na naituloy yung pagpupumiglas ko kanina dahil sa ginawa nya. Muli,naramdaman ko na naman yung sari saring emosyon kapag etong lalakeng to ang kasama ko. Di ko na napigilan ang sarili ko kaya naman napaiyak na lang ako. Ganito pala feeling nung mahalikan?hanggang sa mga sandaling to na magkaharap pa din kame di ko ma explain yung mga butterflies na nagpaparty sa loob ng tiyan ko. Na kahit ang dugyot nyang tignan ngayon,ang bango pa din talaga..ung citrus scent nya na dumikit na ata sa katawan ko,ung hininga nyang parang amoy baby kahit kanina pa siya andito. Sa totoo lang,naiyak ako sa saya,masaya ako kasi andito siya..binalikan nya ko.
Huy,ano ba?sorry na..malambing nya sabi,pinunasan nya muna ang mga luha ko saka ako kinabig ulet palapit sa kanya this time,para yakapin. Isiniksik ko ung ulo ko sa leeg nya. Nahihiya kasi ako. Habang yung mga kamay ko nakapatong pa din sa mga binti ko. Panay ang hagod nya sa likod ko habang patuloy ako sa pag iyak. Ganon na ba talaga kabaho hininga ko para kulang na lang maglupasay ka dyan kakaiyak? Natatawa nyang tanong habang pilit syang yumuyuko para hagilapin ang mga mata ko.Hokage din to eh gusto pa ata makaulit. Habang nagsasalita panay dampi ng makapal nyang labi sa pisngi ko. Mahina ko syang sinuntok sa tiyan na ikinabigla nya kaya ako nakawala. Dali dali akong tumayo at tumakbo papasok ng kwarto ko. Naririnig ko pa ang tawa ng loko na aliw na aliw. Pagkapasok ko ng kwarto agad ko itong nilock,mahirap na baka sumunod pa at kung ano pa ulet gawin nito..di na ko makatanggi. Konti na lang kasi at ipagkakanulo na ko ng nararamdaman ko. Nadinig ko pa ang mahihina nyang katok at pagtawag sa akin pero dumirecho na ako ng bathroom para maligo ulet. Ewan ko ba,bukas naman ang aircon bat ba init na init ako. After an hour sa loob ng banyo,pinatuyo ko lang ang buhok ko at kumuha ng komportableng maisusuot. Isang puting loose cotton shirt na above the knee ang haba at cycling short na literal na short dahil gang kuyukot ko lang ata ang haba ang napili kong suotin. Wala na naman siguro ang loko dahil wala na kong nadidinig kahit na kaluskos sa sala. Kumuha aq ng scarf at ito ang ginawa kong headband sa medyo basa ko pang buhok. Di ko na kasi tinuyo ng maigi para ramdam ko pa yung lamig ng basa kong buhok. After kong linisin ang mukha ko di na ko naglagay ng kung ano ano eh ano kung maputla?ako lang naman ang andito sa bahay. Lumabas na ko ng kwarto at plano sanang tumawag na lang sa isang fastfood chain sa baba para magpadeliver ng makakain dahil almost lunch time na din naman at nakulo na ang tiyan ko. Palapit na ko ng sala kung saan nakalagay ang aming landline ng magulat ako sa bulto ng lalaking nakahiga sa sofa at nakapamaluktot. Ay kabayo! Sa gulat ko dinampot ko ang isang throw pillow at binato ito sa kanya..
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanficHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...