Donny
Agad akong sumakay ng sasakyan ng dumating sila Gelo at Kuya Manny sa Parking Lot ng Condo nila. Ngayon ko naramdaman yung kirot ng kamao ko pagkaupo ko sa bandang likuran ni Kuya Manny. Iniikot ikot ko ang kamay ko baka sakali maibsan ang kirot nito.
Boss,magang maga yan ah si Gelo
Kuya,clinic muna tayo sabi ko kay Kuya Manny.
Matapos kong sabihin kay Kuya Manny kung kaninong Ortho kame pupunta,dinayal ko ang number nya. Nakailang ring na pero walang nasagot?kunot noong tanong ko sa sarili.
Eh Boss baka asa banyo nahalata ata ni Gelo na gigil na ako sa cellphone ko habang paulit ulit na pinipindot ito.
Matapos kong di tantanan ang cellphone nya ang landline naman nila ang tinawagan ko.
Kirsten,asan ka ba?! Inis kong sabi.
Hello Tita? Opo,tanong ko lang po kung nakausap nyo na c Kirsten?natawag po kasi ako sa kanya pati na din po sa landline nyo,wala pong nasagot eh.
Ah ganon po ba?Tita,pakibalitaan na lang po ako kung nakausap nyo na po sya. Opo..salamat po!ingat po kayo ni Tito..okay po..
Dahil di ko makontak at kung ano ano na pumapasok sa utak ko na baka ano na nangyari sa kanya,Mommy nya na ang tinawagan ko. Ang sabi ni Tita hindi din daw nasagot sa mga tawag nila. So ibig sabihin, hindi sa iniiwasan nya lang sagutin ang mga tawag ko tulad ng una kong naisip. Talagang di siya makontak.
Kuya,balik tayo!utos ko kay Kuya Manny.
Ha?eh malapit na tayo eh. Kelangan na din matignan yang kamay mo baka mas lumala pa yan. Huwag kang mag alala safe naman dun sa condo nila di ba? Bumalik tayo pagkagaling nating Doktor giit ni Kuya Manny.
Oo nga naman Boss baka mamaya kung mapano pa yang kamay mo. Saka mukang nilalagnat ka pa eh, oh,namumula ka maigi dagdag ni Gelo.
Tumahimik na lang ako tanda ng pagsuko. Ayoko din naman mag alala tong dalawa na nagmamalasakit lang din naman sa akin. Isa pa,masama na din talaga pakiramdam ko. Nakatulong naman kanina ang mga effort ni Kisses na pababain ang lagnat ko. Pati ung paracetamol na binigay nya. Yun lang,baka kaya nilalagnat pa din ako dahil dito sa kamay ko na patuloy pa din namamaga.
Matapos ang mahigit dalawang oras sa loob ng clinic ng kilala naming Ortho mabilis ko ng tinungo ang sasakyan. Pati si Kuya Manny at Gelo halos di masabayan ang malalaki kong hakbang dahil sa pagmamadali. Ayos naman ang naging findings ni Doc sa kamay ko,may konting fracture lang naman at malayo sa bituka. Ilang araw lang na dapat ipahinga at mga gamot para sa maga at kirot magiging okay na tong kamay ko. Ang mahalaga malaman ko kung asan na ba c Kirsten. Dahil lowbat na din ako kanina,nakisuyo ako sa Secretary ni Doc kung pwede ba ako makicharge ng phone ko sa clinic nila. Buti pumayag.
Pagkaupong pagkaupo ko sa sasakyan binuksan ko ang cellphone ko at eksaktong pasok naman ng tawag ng taong kanina pa ako pinag aalala. Natataranta ko itong sinagot pagkakita ng pangalan nya sa screen. Muntik ko pa nga mabitawan ang phone ko kasi nga isang kamay lang gamit ko.
Hintayin mo ko,bibili ako ng pagkain natin..Pagtatapos ko sa usapan namin. Pag hinayaan ko pa kasi siyang sumagot,kokontra lang yun at baka pagtaguan pa ko. May katigasan pa naman ang ulo nun...
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...