Donny's POV
Nagmamadali akong naligo at nagbihis after ko siyang makausap sa phone. Miss na miss ko na talaga siya kaya naman after kong malaman mula kay Dad na wala akong schedule ngayon nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako.
Alis po muna ako - D
San ka pupunta? - Dad
Diyan lang Dad magpapahangin - D
After nya kong tingnan na parang binabasa tumango lang siya at hinayaan na kong umalis.
Mag iingat ka anak. You know what i mean.
Alam ko na alam nya kung saan ako pupunta. Alam ko din na ibig nyang sabihin mag ingat ako na walang makakita or makakilala sa akin pagpunta ko sa condo ni Kisses. Matagal ko ng nilinaw sa kanila na pamilya ko na mahal ko siya. Right after nung insidente ng pagpunta ko sa clinic at muntik ng pagkabali ng buto ng kamay ko nakita ko ang sobrang pag aalala ni Mommy pag uwi ko ng bahay.
Anong nangyari sayo? - Mom
Wala po ito malayo sa bituka - D
Anong wala?ayan at magang maga!nagpapanic nyang sabi.
Galing na po ako sa Orthro yung kakilala nyo ni Dad. She told me na di naman po ganoon kalala nabugbog lang ng konti kaya namamaga sa nakikita kong pag aalala sa mukha ni Mom nakaramdam din naman ako ng awa. Ayoko din naman siyang bigyan ng alalahanin at higit sa lahat ayokong sisihin nila si Kisses kaya nangyari sa akin to.
Mom, I'm fine. Pwede na po ba akong magpahinga? Hindi ko na hinintay na sumagot siya at tumalikod na ko paakyat ng kwarto ko.
Dumaan ang mga araw na hinayaan ko na lang sila magdesisyon para sa akin. Napapagod na ko makipagtalo. But i feel empty inside. Parang mamamatay ako sa lungkot. I prayed many times na bigyan Niya ako ng strength para makayanan ko pa lahat. Pakiramdam ko parang di ako lalake na walang sariling paninindigan. Kung kelan ako nagbente uno dun ako parang nawalan ng bibig na kontrahin sila. Alam ko naman na para sa akin ang ginagawa nila. Sino ba namang magulang ang hahangarin na mapariwara ang anak. Sabi nga nila opportunity knocks just once at hindi lahat ng nasa showbiz nabibigyan ng ganitong pagkakataon,tulad ng pagkakataon na nangyayari sa akin ngayon. Noon,ang saya saya ko kasi ito naman din talaga ang gusto ko. Alam ko ito yung forte ko. Noon yun,nung di ko pa siya nakakasama at nakikilala ng lubusan. Sa totoo lang di ko naman siya gusto noon,sabi nga ng mga kaibigan ko she's way out of my league daw. Hindi ganon kaganda,O.A daming hugot sa buhay. Pero habang dumadaan yung araw na magkasama kami nakita ko kung gaano siya kabuti. Mapa cameraman man yan hanggang sa tagaligpit ng mga kalat namin pantay pantay lang ang tingin nya. Hindi yan kakain ng hindi nya ata naaalok lahat ng kasama namin sa taping or shooting. Kapag pa kumain parang construction worker akala mo di pinakain ng isang taon(napangiti ako sa naalala ko). Walang kaarte arte! Diet?who you ka sa kanya! Iilan lang yan sa mga katangian na unti unting nagparealised sa akin ng tunay kong nararamdaman sa kanya. Nung patapos na yung serye na pinagsasamahan namin at ininform kami na after non hindi na kami pwede makitang magkasama,parang binibiyak ang puso ko. Ang sakit. Pinilit kong kalimutan ang sakit at umayon sa napagkasunduan pero kahit anong pilit ko parang di ako makahinga. Kahit anong pagod ko basta naaalala ko siya bumabalik yung sakit kaya ilang beses din nawitness nila Kuya Manny at Gelo ang pag iyak ko sa sasakyan. Kaya siguro kinunsinti na lang nila ako nung nagpilit akong pumunta sa condo nila noon.
Ngayon?wala na kong pake!
Mawala na ang mawawala pero wag yung babaeng nagbigay sa akin ng tunay na saya. This time, ipapakita ko sa kanya na kaya ko na siyang ipaglaban. Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanficHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...