*24*

152 11 0
                                    

Kisses's POV

"Busy ka talaga?"tanong nya.

"Oo nga!bakit ba?bored?kaya ako naman iniistorbo mo?" natatawa kong sagot kanya.

"Grabe naman yung istorbo.."
"Yun na ba ko talaga sayo ngayon istorbo?sige na nga,baka nga naiistorbo na kita.." nagtatampo nyang sagot.

"Wait!" lokong yun pinatayan ako ng phone?nagtampo nga ata tanong ko sa sarili ko. Agad kong dinayal ang number nya.

"Akala ko busy ka?" - D

"Eh bat mo ko pinatayan ng phone?bastos lang?" - K

"Sorry..akala ko kasi ayaw mo ko kausap at busy ka nga" - D

"Sorry din..joke lang naman ikaw naman tampo agad. Ano ba kasi yun?nagchecheck ako ng designs na pinadala ni Jot sa akin eh marami kasing magaganda hirap pumili." - K

"Gusto mo tulungan kita?punta ako dyan?" - D

"Wala ka ba sked today?di ba hassle?" - K

"Wala pa sa ngayon,kaya pwede pa kong magpanggap na fashionista,malay mo makatulong - D

Sige bahala ka kung hindi naman ako makakaistorbo sayo - K

Napagdesisyunan naming dito na lang sa bahay magkita tutal wala naman sila Mom and Dad ngayon. Yung kasama naman namin sa bahay day off at mamaya pa yun for sure makakabalik. Mga ilang oras din ang lumipas after kong maligo uli at magligpit ligpit nadinig ko ng may tumimbre sa labas. Agad ko itong binuksan matapos kong makita sa monitor kung sino ang nasa labas.

Hi! bati nyang ngiting ngiti habang di magkandaugaga sa mga bitbit nya.

Hi! Ano ba yan at ang dami naman?naglayas ka ba? Tanong ko at tinulungan siyang sa ibang mga bitbit nya na sa amoy pa lang alam ko ng pagkain. Very Good talaga to si Donato!alam na alam ang kahinaan ko,na kahinaan din naman nya.

Hindi ah!pero malapit na pag pinilit pa nila ako sa mga gusto nila sabi nya habang nilalagay namin sa dining table ang mga pagkain dala dala nya at isa isang inilalabas sa paper bag.

Hala siya!seryoso ka?lokong to! sabay tawa ko. Alam ko naman na joke lang yun.

Hindi ako nagbibiro. Kaya kong bumalik sa umpisa o kahit na magbalik estudyante na lang ako ng full time. Tama na yung minsan ko silang hinayaan na pakialamanan ang buhay ko lalo ang mga desisyon ko. Nakakapagod na ding maging mabuting anak seryoso nyang sagot.

Donny may problema ba?kung tungkol pa din to sa nangyari sa atin,hayaan mo na. Huwag ka ng magalit sa kanila o sa kahit na sinong ayaw sa team up natin noon. Okay na naman tayo ah! kinakausap na kita so sana wag ka ng ganyan. Don't be to harsh on yourself pag aalo ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap dahil alam kong kailangan nya yun ngayon. Mukha namang kumalma na siya dahil niyakap nya din ako ng mas mahigpit at ipinatong ang baba nya sa may ulunan ko.

Gusto mo ng makita yung mga gawa ni Jot? Tingala kong tanong sa kanya habang magkayakap pa  din kami.

Mamaya na,pwede?mga 5 mins pa..at lalo pa nyang hinigpitan ang mga yakap nya sa akin. Isiniksik ko na lamang ang sarili ko sa mga yakap nya.

Matapos ng kulang sampung minuto naming pagmomoment ng magkayakap pinakawalan na din nya ako at kinuha ko na sa kwarto ko ang mga copies ng designs ni Jot at bumalik ulet sa dining kung saan nakaupo na siya at naghihintay.

Mamaya na yan kain muna tayo baka lumamig ang pagkain sabi nya at kinuha sa akin ang iniabot kong designs at tumabi na sa katabing upuan nya.

Kinuha ko ang bowl sa tabi ng plato nya at nilagyan ito ng soup na kasama sa mga binili nya.

Ahh open your mouth nagulat ako na habang busy ako sa pagsandok ng soup para sa kanya eh balak pala nya akong subuan ng pagkain mula sa plato nya gamit ang kutsara nya. Nahihiya man isinubo ko na din ito at baka mawala pa sa mood tong lalaking maraming hugot sa buhay.





Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon