Kisses's POV
Ang unfair ko na ata sa kanya. Kung ilang beses nya na akong sinasabihan ng "I love you at Mahal Kita" bukod pa sa pagpaparamdam sa akin nito pero parang lagi kong nalululon ang dila ko. Mahal ko naman talaga siya no doubt,pero di ko masabi sabi dahil inuunahan ako ng takot. Natatakot ako na baka pag sinabi ko din na mahal ko siya majinx yung relasyon namin bigla mag end. Na baka kung kailan aminin ko na ang tunay kong nararamdaman sa kanya saka naman bigla siya magbago at iwan ulet ako sa ere. Ayoko na ng ganong pakiramdam. I eenjoy ko na lang muna tong kung anong meron kami. Nag ooverthink na naman ako i know,pero maiaalis nyo ba sa akin yun?
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang habang nagmumuni muni ako ng mga nangyayari sa amin ngayon ni Donny. And speaking of the devil,eto na nga...excited kong dinampot ang phone ko.
"Hi!ano gawa mo?" - D
"Ahm wala naman,bakit?" - K
"Gala tayo?roadtrip?"- D
"At this hour? 11:30pm pag check ko ng alarm clock sa bedside table ko.
"Why not?miss na kita eh,ako ba hindi mo namimiss? lambing nyang tanong.
"Hmmp!wait papaalam lang ako."natatawa kong sagot.
Mabuti na lang at nanunuod pa ng T.V sila Mommy at Daddy. Tiwala naman sila kay Dons kaya di ako nahirapan magpaalam sa kanila. Tinawagan lang siya ng Dad sa phone para sabihing mag ingat sa pagdadrive. Hindi ko na din siya pinaakyat baka mapasubo na naman ng kwentuhan yun kay Dad di pa kami matuloy. Miss ko na din naman ang loko kaya nga pasalamat ako na pumayag sila Mom and Dad.
Matapos kong magpaalam sa kanila agad na kong bumaba. Ng makita ko yung Chevrolet nyang pula dumirecho na ko agad doon at kinatok ang bintana niya.
"Hi Love!"bungad nya pagkaupo ko sa tabi nya.
"Hi!" matamis kong ngiti sa kanya sabay halik sa pisngi.
Nagulat siyang napangiti sa ginawa ko. Patay malisyang dumirecho na lamang ako ng upo. Aayusin ko na sana ang seatbelt ko ng bigla siyang yumukod para tulungan ako. Ng magtama ang mga mata namin hinawakan nya ng mahigpit ang kamay kong nakahawak sa seatbelt habang ang isa nyang kamay ay humahaplos sa kanang pisngi ko.
"I miss you.." paos na pabulong nyang sabi.
Kinabig nya ko sa batok papalapit sa kanya. Napapikit na lang ako ng maramdaman ang malambot nyang labi. Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt na nakapulupot sa akin dahil sa sensasyong hatid ng mga halik nya. Hindi ito ang unang halik namin,actually,hindi na nga mabilang. Pag nakakita siya ng pagkakataon lalo at kami na lang ang naiiwan sa sala hindi maaaring hindi siya makakahalik sa akin. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila nya sa bibig ko na parang naghahanap,nang aangkin. Ginaya ko ang mga ginagawa nya at nadinig ko pa ang mahinang pag ungol nya hanggang sa unti unti siyang lumayo. Namumungay ang mga mata na tumitig siya sa akin.
"I love you,Kirsten...so much! baka pag di pa ko tumigil makalimutan ko kung nasaan tayo" sabay tingin nya sa paligid.
Namumulang hinampas ko siya sa braso na ikinatawa nya.
Napahawak ako sa mga labi ko na ramdam ko ang pangangapal ngayon. Nangingiti nya kong tinignan.
"Masakit ba?" sabay haplos nya dito.
"Medyo..ikaw naman kasi kung makahalik parang wala ng bukas." simangot ko sa kanya na parang bata.
"Come!" kabig nya sa kin palapit sa kanya. Niyakap nya ko ng mahigpit at hinalik halikan ang noo ko habang tinitignan ang nguso kong namamaga.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa parking lot saka nagdecide ng umalis. Ibabalik nya daw muna yung kaluluwa nyang tumakas kanina habang nagkikiss kami. Kung ilang kurot tuloy ang inabot nya sa kin.
"Saan tayo pupunta?!" tanong ko habang nakatingin sa dinadaanan namin. Palabas na kasi kami ng Maynila napansin ko.
"Tagaytay. May alam akong masarap na bulalo doon?try natin!" masaya nyang tugon habang pinaglilipat lipat ang tingin sa akin at sa kalsada.
"Eyes on the road!"sita ko sa kanya.
"Ow!Sorry love,baka kasi mawala ka eh." biro nya.
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...