Kisses's POV
"I love you..."bulong nya habang nakayakap mula sa likuran ko.
Nasa rooftop kami ng isang Restaurant sa Tagaytay kung saan nagsiserve ng ipinagyayabang nyang masarap na Bulalo. Well,infairness masarap nga. After naming kumain we decided to stay muna doon sa rooftop na kita mo ang kagandahan ng Taal Lake lalo na sa mga oras na ito. Mabuti na lang at 24hrs ang Restaurant na ito kaya pwede kaming mag stay sa taas kahit dalawa na lang kaming nandito o malakas lang talaga siguro itong kasama ko sa may ari kasi pansin ko mukhang magkakilala na sila.
Bahagya akong lumingon sa kanya at ngumiti. Isinandal ko ang likod ko sa dibdib nya at naramdaman ko ang paghigpit ng mga yakap nya at pagpatong ng baba nya sa ulo ko na malimit nyang gawin pag naglalambing. Itinaas ko sa hangin ang kaliwang kamay ko habang ang isa ay nakakapit sa braso nyang nakapulupot sa akin.
"Mahilig ka pala magsulat sa hangin?" tanong nya.
"Medyo..lalo at may mga gusto akong sabihin na di ko masabi sabi kasi inuuhan ako ng takot. Takot na baka mamisunderstood nila ako or di kaya gamitin nila yung mga sasabihin ko to hurt me.Natatakot akong magkamali.." paliwanag ko sa kanya sa basag na tinig.
Pinihit niya ko paharap sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat.
"You know what?don't be hard on yourself,Love. Take it easy..Chill lang. Hindi naman talaga natin control ang takbo ng utak ng tao. Minsan hindi naman yun ang gusto nating sabihin and yet,naiti twist pa din nila yung mga sinabi natin para lumabas tayong masama. At hindi na natin problema yun di ba?as long as alam natin na wala tayong ibig sabihin sa sinabi natin eh di bahala na sila! sabi niya.
"Nasasabi mo lang yan kasi lahat sila gusto ka. Lahat sila kaclose mo. Eh ako?kahit wala naman akong ginawa sa kanilang ikaaayaw nila sa ken kung itreat nila ako akala mong may nagawa akong mali sa kanila." mapait kong ngiti sa kanya.
Kinabig nya akong muli palapit sa kanya at niyakap.
"Don't worry Love..everything will be alright. Sana maging sapat yung ako na lang ang magparamdam sayo kung gaano ka kabuting tao. Kung gaano kalinis ang puso mo para sa iba. Hindi tayo perfect kaya wag kang matakot magkamali. You don't owe anyone an explanation kung sino at ano ka kaya kung ayaw nila sayo eh di wag!" Stop overthinking,maiistress ka lang. Enjoy life!ang mahalaga ganito,masaya tayo. To hell with them! Pake natin sa sasabihin nila!"
Naluluhang tiningala ko siya habang di kami nagbibitaw ng yakap.
"I love you.." sabi ko na ikinagulat nya at bahagya akong inilayo.
"Anong sabi mo?"tanong nya habang hawak ako sa magkabilang braso at ngiting ngiti.
"Ahmm...ano..ahh" nahihiya kong iwas ng tingin sa kanya.
"What?!" excited nyang tanong.
"I love you!..yun yung sinusulat ko kanina sa hang...."
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman kong lumapat ang labi nya sa mga labi ko. Naramdaman ko ang pag angat ng mga paa ko sa sementadong sahig ng rooftop at maingat na iniupo ako sa salaming lamesa na kinainan namin kanina. Iniupo nya ako ng hindi pinuputol ang mga halik na pinagsasaluhan namin ngayon. May ilang saglit siyang lumalayo para kumuha ng hangin matapos ay babalik din agad sa mga labi ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha nya sa mukha ko kaya bahagya ko siyang inilayo. Pareho kaming naghahabol ng hininga ng magsalita ako.
"Why?!"tanong ko.
"Masaya lang ako na sa wakas nadinig ko din sayo yung matagal ko ng hinihintay na sabihin mo." sabi nyang patuloy na naluha.
Pinahid ko ito ng mga daliri ko at muling hinalikan siya sa labi. This time,maiksi lang. Just to seal our relationship.
"Mahal kita..mahal na mahal. Natatakot lang ako na sabihin sayo kasi baka bigla ka na namang umalis. Lalo pa ngayon na magkaiba na tayo ng path na tinatahak. Maraming possibilities na mangyari yun pero mas gugustuhin ko ng masaktan ng paulit ulit ang mahalaga alam ko na minahal mo ko. Na maghiwalay man tayo may babaunin akong mga alaala na minsan nagmahalan tayo."di ko na din napigilan ang mga luha kong nag uunahang pumatak sa mga pisngi ko.
"Hindi ko na hahayaang magkahiwalay tayo,Love. Masisiraan ako ng bait pag nangyari ulet yun. Nung mga panahong hindi na kita nakakasama at maski tawag at texts ko di mo sinasagot?alam mo ba na para akong mamamatay?ang sakit!ang sakit sakit! Salamat at binigyan mo ulit ako ng chance na mapalapit sayo at ang the best pa dun yung malaman ko na mahal mo din ako."
"I love you,baby!" Puno ng luha at tuwang tuwang sigaw nya.
"Hoy!ano ka ba nakakahiya!" buti na lang talaga at dis oras na ng gabi at kami lang ang tao sa taas ang iba di na siguro umakyat dahil malamig na.
Hinila ko siya sa damit at kinulong ang mukha nya sa mga palad ko.
"I love you,i love you,i love you!" ani ko habang pinapaulanan siya ng halik sa mukha at leeg.
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...