*28*

206 11 3
                                    

Unti unting parang naging jelly ang mga tuhod ko sa mga ginagawa nya. Yung mga halik nya ngayon,mas intense kesa noong una. Ngayon punong puno ng emosyon,punong puno ng feels ng mga salitang di masabi sabi dahil sa sitwasyon namin ngayon. Yung mga little kisses lang ng una na lumalim ng lumalim na parang nang aangkin. Na ako'y sa kanya at siya ay akin lamang sabi nga ng kanta. Unti unti bumagal ang paglalaro niya sa bibig ko. Sinapo nya ang mukha ko at idinikit ang noo nya sa noo ko.

"I love you Kirsten..." paos nyang sabi. "Mahal na mahal kita" naluluha nyang sabi sabay sa paghuli muli sa mga labi ko. Kung magpalitan kami ng halik aakalain mong di kami NGSB/NBSB. Naramdaman kong muli ang pag angat ng paa ko sa sahig habang di nya pinapakawalan ang mga labi ko. This time,binuhat nya na talaga ako. Habang sapo nya ang pang upo ko,ini cross ko naman ang mga binti ko sa bewang nya. Dinala nya ko sa couch at dahan dahan inihiga doon. Tinakpan ko ang mukha kong pulang pula na sa palagay ko. Natatawa nyang hinalik halikan ang likod ng palad kong nakatakip sa mukha ko at ikinulong sa mga palad nya. At saka nya muling hinalik halikan ako sa noo habang hinihimas pataas ang mga takas kong buhok.

"Alam mo bang mahal na mahal kita?" sabi nya habang itinatuck ang ilang takas na buhok sa ilalim ng tenga ko at hindi inaalis ang mga titig nya sa akin. Para akong matutunaw,hindi lang sa mga titig nya kundi pati na din sa mga sinasabi nya. Bumangon ako at umayos ng upo. Niyakap ko siya mula sa tagiliran nya at kinagat kagat ang matigas nyang braso. Natutuwa nyang iniikot ang braso nya para mayakap ako at isiniksik  ko naman ang sarili ko sa gilid nya.

"I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo yung true feelings ko for you. Ang gago ko kasi that time akala ko natural lang na makaramdam ako ng kakaiba kasi lagi tayo magkasama. Akala ko after ng work natin mawawala din yung weird feels. Pero mali ako ako,kasi habang di kita nakikita lalong lumalalim ang pagtingin ko sayo. Lalo kitang hinahanap. Ang hirap bumangon sa umaga na alam kong di ikaw ang makakatrabaho ko. Pilit kong nilibang ang sarili ko sa trabaho pero pagkatapos non bumabalik pa din ako sa reality na hindi na kita kasama. At hindi ko alam kung kelan ulit kita makakasama. At yun ang di ko kinakaya sa araw araw."

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha nya sa ulunan ko. Lalo kong hinigpitan ang mga yakap ko sa kanya.

"Please Kirsten stay with me?wag mo na kong iiwasan please..hindi ko kaya" pakiusap nya.

Kumawala ako sa yakap nya at sinapo ang mukha nya. Tinitigan ko siya ng buong pagmamahal. Pinahid ng mga daliri ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi nya at dinampian siya ng halik sa noo.

"I won't...hindi na..hindi na ko lalayo o iiwas. Pangako yan!"

And we sealed that promise with a kiss. Lasa ko yung pinaghalong alat ng luha at tamis ng labi nya. Hindi ko lang masabi sa kanya na Mahal ko din siya. Mahal na mahal. Hindi pa ba halata sa way ko ng pagtugon sa mga halik nya?Mahal ko siya pero andun pa din yung takot na baka iwanan nya na naman ako sa ere. Na baka matakot na naman siyang ipaglaban ako. Sa ngayon,ganito muna. Hahayaan ko muna ang sarili ko na mag enjoy sa mga nararamdaman namin. Masaya akong malaman na minahal nya naman pala talaga ako,na mahal pala talaga nya ako. Na hindi pala ako feelingera lang ng taon nung mga panahong magkasama kami and he treated me special. Talaga palang he did what he did kasi mahal nya ako.

Mahal ako ni Donato Antonio Laxa Pangilinan!

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon