*29*

189 10 1
                                    

Donny's POV

All is well. Okay na okay kami ni Kisses,after ng mga di magagandang nangyari sa ilang buwan,I thank God na bumalik kami sa dati. Actually,KAMI NA!! ang saya!ang saya ng puso ko,though patago pa din kami magkita at least alam namin sa isa't isa na kami na. Hindi ko pa man nadidinig sa kanya mismo yung confirmation ng relationship namin,masaya na ko dun. Ayoko muna siya pilitin na sabihin sa akin na mahal nya din ako. Sa ngayon,okay na ko na pinaparamdam nya sa akin yung pagmamahal na di nya masabi. Hihintayin ko na lang yung araw na yun na sabihin nya na pareho kami ng nararamdaman.

"Boss! nakakatuwa na bumalik ka na sa dati mong ikaw." si Gelo habang pangiti ngiti pa ko habang asa byahe kami mula sa isang show na ako ang kinuhang host.

"Masyado ba kong halata?!" tanong ko.

"Ay hindi naman!"biro ni Kuya Manny. "Masaya lang kami para sayo,para sa inyo ni Kisses. Pareho kayong mababait na bata kaya deserved nyo ang isa't isa. Konting tiis lang at damihan mo pa ang dasal na sana dumating na yung panahon na di nyo na kailangan magtago para maging normal couple na kayo tulad ng iba." patuloy nya.

Bigla akong natahimik. Oo nga at okay kami ni Kisses ngayon pero paano kung dumating yung oras na magsawa na siya kakatago. Paano kung may makatuklas ng relasyon namin? Kaya ko ba siyang makita ulit na nagsa suffer sa kakabash ng mga fans kong hindi lang ako hinahangaan kung hindi pinapangarap na maging nobyo nila?Yung mga nagseselos sa kanya? Mahal ko ang mga supporters ko at thankful ako sa kanila pero mas mahal ko si Kisses at kahit nga pamilya ko kinontra ko na maging maayos lang ulit kaming dalawa. Di na ko papayag na umiwas siya sa akin at di na magpakita kahit kailan. Nagsabi na siya sa akin na after ng contract nya titigil na siya sa pag aartista. Inihingi nya na ito ng dispensa sa mga malalapit at loyal supporters nya at sila na din ang nagpaliwanag sa iba at naintindihan naman nila si Kisses. Mas gusto nga nila na magfocus na lang siya sa studies nya dahil maging sila naaawa na sa unfair treatment ng management sa kanya at para umiwas na din sa mga bashers nito. Kung pwede lang sana na ako na lang sumalo ng lahat ng bash. Pero dahil nga ang kondisyon nila Mom and Dad sa pagpayag nila sa pakikipagrelasyon ko sa kanya ay ang itago muna ito at gawin ang mga nakahanay na work para sa akin na nakapag commit na kami noon ay wala na kong magawa. Hindi naman ako nahirapang ipaintindi ito sa kanya. Ang sabi nya pa nga ayaw nyang maging sagabal sa mga pangarap ko. "Eh ikaw kaya ang pangarap ko" ang sabi ko na pinagtawanan lang nya.

"Naku! Donato habang patagal ng patagal pakorni ka ng pakorni."

"Eh sa ikaw naman talaga ang pangarap ko. I love you..so much!" sabay halik ko sa kamay nyang hawak hawak ko.

"Hmmp!umuwi ka na nga bago pa tayo sugurin ng mga langgam dito." Bawi nya sa kamay nya at mahina akong hinampas sa braso.

Kasalukuyan kaming nasa living room noon at sila Tito at Tita ay maagang pumasok sa kwarto nila. Malimit kami na nasa kanila lang nagmomovie marathon tapos magpapadeliver na lang ng food sa baba ng building nila. Minsan kasalo namin Parents nya pero dahil kailangan nila maagang matulog kaming dalawa na lang naiiwan. Si Ate naman na kasama nila sa condo matapos magligpit ligpit dadalhan lang nya kami ng kape then papasok na din sa sarili nyang room para magpahinga. Masaya na kami sa ganoon.


Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon