Part 10

155 9 1
                                    

Kisses

Nagulat ako sa ginawa ni Donny. Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sari saring emosyong nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na lng ung pagdaloy ng mainit na likido sa mga pisngi ko. Agad agad kong pinahid ung mga luhang ayaw makisama dahil patuloy p din ito sa pag agos. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin pero di pa din ako pinapakawalan. Ung baba nyang nakapatong kanina sa ulo ko ay lumipat sa balikat ko. Naramdaman ko ding basa n ung balikat ko,naka off shoulder ako kaya damang dama ko yung init ng mga luha nya. Hinayaan ko lng muna siya ng mga ilang minuto pa hanggang sa humina ang kaninang impit nyang pag iyak.

Kirsten pleaseee...please wag ganito..hindi ko na kaya!sisigok sigok nyang sabi at muli kong naramdaman ang higpit ng mga yakap nya. Napatingala na lamang ako dahil nagbabanta na namang tumulo ang mga luha ko. Inilayo nya ako ng bahagya at ikinulong ang may kaliitan kong mukha sa dalawa nyang kamay. Tinitigan nya ako habang hinahaplos ng hinlalaki nya ang mga pisngi ko. Wag namang ganito Kisses,kung galit ka sumbatan mo ko! Gago ako eh d ba ?!gago! binitiwan nya ako at walang sabi sabing sinuntok ang pader na asa likuran ko. Nagulat ako dahil sa nakita kong biglang pag alsa ng kamao nya.  Anong ginawa mo?!!Nataranta ako at agad kinuha ang first aid kit sa bedroom ko. Pagalit kong kinuha ang nasaktan nyang kamay na namamaga na ngayon at gasgado. Stupid!!galit kong sabi sa kanya. At mukang natuwa pa ang loko after ko syang sabihan ng ganon dahil nakuha pang ngumiti, kalokah!Matapos ko itong linisan at bendahan,tinawagan ko sila Mommy para sabihing bababa na ako. Gusto ko na din umalis itong bisita ko at nag aalala din ako sa kamay nyang maga n talaga.

Kisses : Mommy,asan na po kayo?

Mommy C : anak,andito na kame sa byahe..kelangan nyong dalawa mag usap. Kame na bahala ni Dad sa mga kailangan mo sa school.

Kisses : Pero 'My...

Mommy C : Kanina nung nakita ko siya habang papalapit sa amin ng Dad mo di ko mapigilang maawa. Bilang isang Ina,kahit na di ko naman siya anak,naluha ako sa itsura nya lalo na nung makita ko siyang ganyan. Hapis ang mukha at mukang pagod na pagod. Kung anuman ang desisyon mo igagalang namin,pero sana bigyan mo siya ng chance na makapag paliwanag sayo. Sige na anak,alam naman namin na kelangan mo din yan..di ka man nagsasalita ramdam namin pinagdadaanan mo. Magulang mo kame kaya higit kanino man kami ang nakakakilala sayo. I love you anak!saka na lang ulet tayo mag usap pagbalik namin.

Habang kausap ko ang Mom di ko siya nilulubayan ng tingin dahil baka kung ano na naman ang gawin nito sa sarili nya. Sagutin ko pa naman to dahil andito siya sa unit ko. Sabihin na naman ako may kasalanan. Ako na nga yung iniwanan sa ere..kasalanan ko pa!sabi nga ni Bobbie Salazar.."bat parang kasalanan ko pa?"hay buhay showbiz ni Kirsten!

Kisses : Sige po 'My,ingat po kayo sa byahe. I love you both po!mwahh!

Hindi ko na binanggit ang ginawa nitong mokong na to sa sarili nya. Nilapitan ko siya at kinuha ang first aid kit upang ibalik sa pinagkunan ko nito,akma na kong aalis ng bigla siyang magsalita

Donny : You really can't stand my presence huh?!

Kisses : What?!

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon