Part 16

159 6 3
                                    


Kisses: kuha lang kita ng tubig para makainom ka na ng gamot. Tawagan mo na din si Gelo para masundo ka dito at dalhin ka sa ospital. Baka kaya ka nilalagnat dahil diyan sa kamay mo.

Tuloy tuloy nyang sabi habang nililigpit ang mga pinagkainan namin. Di nga ata siya nakakain ng maayos dahil sa kakasubo nya sa akin. Lalo siyang pumayat..kahit nakamaluwag syang t shirt kita ko pa din ung kanipisan ng katawan nya.

Donny: Kisses,kumain ka pa. Ako na magtatapos nyan. Ang nipis mo na oh! Nakain ka pa ba? kunwaring biro ko sa kanya.

Kisses's

Tinignan ko siya ng masama pagkarinig ko ng huling sinabi nya.

Kisses: Oo naman!nakain naman ako bakit akala mo ba nung di na tayo magkasama nawalan na ko ng ganang mabuhay sa mundo?!feeling nito! gigil kong sabi sa kanya na halos maibalibag ko na yung mga nililigpit ko.

Donny: hey, di naman yun yung ibig kong sabihin. Alam ko naman na kaya mo kahit wala ako. Ako lang ata yung hindi kaya na wala..

Kisses's

Nang marealised kong ang advance ko na naman mag isip. Halos takbuhin ko na ang kusina bitbit ang mga pinagkainan namin. Di ko na nga naintindihan yung huli nyang sinabi,ang nakita ko lang yung lungkot sa mga mata nya habang nakatitig sa akin.

Kisses : oh!inumin mo na to sabay abot ng baso at paracetamol sa kanya pagkabalik ko galing kusina. Tapos tawagan mo na din si Gelo para madala ka sa Doktor,baka kung mapaano na yang kamay mo. Magkaproblema ka pa sa trabaho mo.

Donny: Pinapaalis mo na ba ako?

Kisses: Oo!kanina pa. Kung bakit naman kasi dito ka pag nagkasakit eh di sana nakasama ako kayla Mommy at Daddy sa amin.

Nakuuu!!ikaw talaga Kisses,pasimple kong tinapik ang bibig ko nung napayuko siya sa sinabi ko.

Donny's

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa at ng makuha ito agad kong ni dial ang numero ni Gelo.

Gelo: okay Boss!sunduin ka namin dyan ni Kuya Manny. Eh Boss,okay na kayo?

Napailing na lang ako at bahagyang sumulyap kay Kisses. Alam kong di naman ako nakikita ni Gelo pero sa tagal na din namin magkasama,isa sila ni Kuya Manny sa mga taong witness sa pinagdadaanan ko simula ng maghiwalay kami ni Kisses.

Gelo : Sorry Boss...sagot nya sa pananahimik ko. Papunta na kami  dyan.

Donny: Papunta na daw sila..

Inayos ko muna yung pinaghigaan ko at sinuklay ng mga daliri ko ang may kahabaan kong buhok at naghanda ng umalis.

Kisses: San ka pupunta?akala ko ba on the way pa lang sila Gelo eh bat aalis ka na?

Hay Kisses!kanina pinapaalis mo,ngayong aalis na parang ayaw mo naman. Ano ba talaga?!

Donny: sa baba ko na lang sila hintayin. Sa may Parking. Malungkot kong tugon sa kanya. Wala na. Wala na atang pag asa na magkaayos kame. Ramdam na ramdam ko yung wall na nilagay niya between us. Baka hindi pa ito yung tamang panahon. Baka masyado ko nga siyang nasaktan. Baka mas jerk pa ako kay Marco,kaya mas cold siya ngayon.

Kisses: ahh sige,bahala ka....

Tawagan mo ko pag andun ka na ha,balitaan mo ko kung ano findings ng doktor dyan sa kamay mo pero pinigilan ko yung sarili kong wag na i voice out ung bilin ko sana.Inihatid ko na lamang siya sa pinto pagkatapos. Pagkapinid ng pinto saka ako impit na napaiyak. Ang sakit,ang sakit-sakit! Bat ba kasi nagpakita ka pa?ibinabalik mo na naman yung takot na naramdaman ko noon..hanggang ngayon..ayoko ng umasa..kakapagod na..

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon