Kisses
Sa kabiglaanan ko nabato ko siya ng nadampot kong unan sa sofa. Aba't ang bastos na to kala ko lumayas na?! Nanggigigil akong lumapit sa kinahihigaan nya dahil di man lang ito kumilos matapos kong batuhin ng unan. Muli ko itong dinampot sa may ulunan nya kung saan ko siya tinamaan. Akma ko na sanang ihahampas ito sa kanya ng bigla nya kong hinawakan sa wrist ko. Kisses mamaya mo na lang ako bugbugin pls..nilalagnat ata ako paos nyang sabi. Actually,hindi nya na kelangan pang sabihin sa akin na nilalagnat siya dahil ng hawakan nya ako,napaso ako sa init ng palad nya. Mabuti't di ko pa naibalik sa lagayan ang ginamit kong first aid kit kanina,natataranta ko itong inabot at naupo sa center table na saksi sa una kong halik. Binuhat ko ang ulo niya para makatihaya siya ng higa. Ang init nya talaga,jusko! Kahit natataranta nag focus ako sa kung ano ba dapat gawin dito. Buti na lang kakabasa ko lang ng script ng Ipaglaban Mo at Nurse ako dun kaya medyo may napulot din ako on what to do sa mga ganitong case ng pasyente. Kinunan ko muna cia ng temperature at confirmed! 40°C ang lagnat! At ginaya ko ang ginagawa ng Mommy everytime na may mataas akong lagnat bago pa siya tumawag ng Doktor. Dali dali akong kumuha ng maliit na palanggana at face towel sa kwarto ko at saka siya binalikan. Paulit ulit ko syang pinunasan ng tubig na may kalamigan baka sakaling makatulong upang maginhawaan siya. Hinagilap ko ang cellphone nya at natagpuan ko naman ito sa likod ng pants nya. Aw!may passcode!pano ba to?!muli ko na lang chineck ang temperature nya at salamat sa Diyos dahil bumaba naman ito kahit papaano. Gusto ko sana tawagan si Gelo o Kuya Manny kaya lang wala naman ako numero nila. Ang awkward naman kung ang tatawagan ko eh parents nya. Pabalik balik ako sa gilid ng kinahihigaan nya habang nginangatngat ko ang kuko kong pudpod na nga di ko pa tigilan. Nanlilisik ang mata ko sa inis habang nakatitig sa kanya,kanina pa kasi parang sasabog ang utak ko kung ano ba gagawin ko sa kanya. Nabwibwisit akong nag aalala at baka mapaano siya,andito pa naman siya sa bahay ko. Hay naku,Donato!kahit kelan ka talaga!simula ng ma inlove ako sayo...ay wait!pigil ko sa bibig ko. Involved kasi yun hindi in love. Mabilis kong kinumpas sa hangin ang kamay ko baka sakaling makatulong mawala yung mga naiisip ko. Kisoy,kalma!baka umasa ka na naman sa wala. Di ka pa nga makausad sa mga nangyare sa inyo,eto ka na naman. Guard your heart Kirsten Danielle Tan Delavin from Masbate City parang sirang kausap ko sa aking sarili habang tinapik tapik ang puso kong hanggang ngayon ay sugatan,char not char!
Love come here...giniginaw ako..dinig kong anas nya.
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...