Kisses
Pumihit ako upang harapin siya. Anong sabi mo?
Donny : Ang sabi ko di mo talaga matagalan na kasama ako. Napapailing iling na sabi niya.
Kisses
Hinila niya ako sa kamay at pilit pinaupo sa center table kung saan ko kanina ipinatong ang ginamit kong panlinis ng sugat nya. Habang yung isang kamay nya ay kinuha muli sa akin ang first aid kit at inilagay sa tabi nya. Hawak nya ngayon ang mga kamay kong nakapatong sa binti ko. Nakashorts lamang akong puti na itinerno ko sa kulay dilaw kong off shoulder top at ang buhok ko na kaninang nakalugay ay ginawa kong bun bago ko nilinis ang kamay nya,ng sa ganun ay malinis ko ito ng maayos at di makasagabal ang may kahabaan kong buhok. Muli,gumalaw na naman ang pakialamero nyang kamay at inipit sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.
Donny: I missed doing this..pabulong nyang sabi
Kisses
Gets ko yung sinasabi nya dahil totoo madalas nya gawin sa ken yan. Everytime na may kahit isang hibla lang ata ng buhok na malaglag sa mukha ko iipit nya agad yan sa mga tenga ko. Isa yun sa mga nakalista sa notebook ko na pinamagatan kong "Kilusang Pa fall ni Donato" ginawa ko yun nung matapos ko malaman na di na talaga masusundan ang project namin. Last na yung Playhouse,meron pa sanang karugtong yung mini series namin sa IWant pero dahil nga tumanggap na sila ng offer na iba na ang kasama nya,hindi na itinuloy. Sa sama ng loob,feeling ko lahat ng pinakita nya puro pa showbiz lang,na para sa kanya wala lang yun kumbaga trabaho lang. Eh ang tanga ko din naman kasi para umasa na special ako sa kanya kaya ganon. Ending, ayun,ligwak! Kaya totoo yun,may notebook talaga ako para magsilbing reminder na din sa akin na next time magkaroon ako ulet ng kapartner,mapamovie pa yan o serye,di na ko papauto. Kaya ikaw,Donato tigil tigilan mo ko ng ganyan ganyan mo sinasabi ko sayo!
Pwede ba Donato!sabay piglas ko
Bat ba naman kasi kalalaki ng mga kamay nito at ang haba ng biyas! Ngayon di na lang mga kamay ko ang bihag nya. Pati mga binti ko ikinulong nya na din sa mga binti nya. At ang unggoy ngingisi ngisi!
Kisses : San ka kumukuha ng lakas mo ha?!yang kamay mo pag lalo namaga yan..bitiwan mo n nga ako! Gigil kong singhal sa kanya.
Donny : Ayoko! eh kung tumakas ka na naman?ilang buwan kong hinintay tong pagkakataon na to..yung makalapit ulet sayo, ngayong hawak ko na papakawalan ko pa ba?!ulet?!No!Never!
Kisses : Anong pinagsasabi mo?at san naman ako pupunta eh bahay ko to,aber?!biti...
Donny: Hindi ko na alam ang nangyayare sa ken ang alam ko lang gusto ko siyang makita,makausap,mayakap. Hungkag ang pakiramdam ko nung ilang buwan na di ko siya makita ng malapitan. Di pa mahilig mag socmed to. Bihira pa sa patak ng ulan kung mag update sa twitter at insta. Kaya nga minsan pag di masyado sagad ang schedule ko ini stalk ko to sa school nya kung saan siya dumadaan. Inaaya ko si Gelo at Kuya Manny para samahan akong abangan ang pagpasok nya. Gusto ko ngang tusukin ng stick ng fishballs yung mga mata ng mga lalaking pasimpleng timititig sa babaeng asa harapan ko ngayon. Kaya ngayong andito na ko at hawak ko na ang mundo ko...hindi ko na to muli pa bibitawan. At heto nga,habang galit na galit siya sa akin at panay ang piglas,kahit ramdam ko na yung kirot ng namamaga ko ng kamay,wala na akong pakialam. Naaaliw akong pagmasdan yung pagsusungit niya. Napakaganda nya sa suot nya bagay talaga sa kanya ang dilaw...kaya naman di ko na napigilan ang sarili ko at kinabig ko siya sa batok at dinampian ng halik sa nakaawang nyang mga labi...
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanficHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...