Donny's
"Salamat at naiintindihan mo na kung bakit nangyari ang mga nangyari. Siguro naging duwag lang talaga ako at di naging sapat yung pagrerebelde ko para maipaglaban yung tayo. Thank you for this second chance,Kisses. I promise i will make it up to you,lahat ng mga buwan na nasayang hindi na natin mababalik yun." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya at dinala ito sa aking mga labi. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa na parehong basa na ng luha ang mga mukha. Pinahid ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga pisngi nya. " Damn!" kinabig ko siya palapit sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Ang laki kong gago at hinayaan ko siyang masaktan ng ganito. Ang sakit makita na yung babaeng mahal mo eh umiiyak ng dahil sa kaduwagan mo. Hinayaan ko lang siyang humagulgol sa dibdib ko. "We will start anew. Magsimula tayo ng bagong chapter natin,bahala na sila sa kung anong gusto nilang gawin sa akin after nito pero di na kita hahayaang masaktan ng dahil sa di kita kayang ipaglaban."
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at pinahid ang mga luha nya. "Tapos ano?!hindi ba napaka makasarili ko naman kung hahayaan ko na magalit sayo buong pamilya mo dahil lang sa pinili mo kong makatrabaho?" titig nyang sabi sa akin.
"Pero hindi naman trabaho lang ang gusto ko sayo eh..." gusto ko sanang sabihin
"Pero ikaw lang ang gusto ko,marami na din naman akong naging katrabahong babae pero walang katulad mo eh. Iba ka..iba ka sa kanila..kasi mahal kita,hindi ko na isinatinig yung tatlong huling salita dahil baka mas lalong gumulo ang sitwasyon. Hindi pa ngayon. Huwag muna hanggang di pa naaayos ang lahat."Siguro tama na muna yung ganito,at least okay na tayo." sabi nya matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Sundin na lang natin ang gusto nila. Magtrabaho tayo ng solo. Malay natin in time,in His time,ibalik nila yung team up natin. Hayaan natin ang isa't isa mag grow baka yun nga ang kailangan natin." dagdag nya."Kisses..." hinila ko ang isang kamay nya at ikinulong ito sa mga palad ko. "Sa tingin mo ba talaga ito yung dapat? ayoko ng maging makasarili at duwag kaya kung ano yung sa tingin mo na makakabuti sa atin,susundin ko. Gusto kong maging komportable ka sa magiging desisyon mo. I just want you to be happy. Pero sana hayaan mo kong tignan ka sa malayo,hayaan mo kong iparamdam sayo na ikaw lang ang gusto ko kahit sino pa man ang makasama ko. Thank you for being understanding,salamat na iniisip mo pa din pamilya ko sa kabila ng lahat." I knew that my Ate Ella unfollowed her in Insta and Twitter because she can't handle all the bash that im getting from her Solids,until now,marami pa din akong nababasa na pangungutya sa akin. Pero wala na akong pakialam,isa yun sa natutunan ko mula sa babaeng hawak ko ngayon ang kamay. "Learn the art of deadma" sabi nya noong minsan na tinanong ko siya kung paano nya kinakaya yung mga salitang alam naman naming hindi totoo. Yung iba na halos below the belt na,na minsan gusto ko na agawin yung phone nya para ako na sumagot sa mga pambabash sa kanya kasi naman wala talaga siyang planong pumatol at all. Minsan nga sinabihan ko mga supporters ko na tigilan ang pangbabash sa kanya dahil di nya yun deserve. Napakabait na tao ni Kisses,marami lang talaga kaming gago na di nakikita yun...noon,pero ngayon pucha kahit sarili kong pamilya kakalabanin ko na. Pero sabi nya nga,ayaw nyang makagulo sa amin ng pamilya ko kaya mag gigive way siya. Ngayon,sabihin nila,deserve ba kami nitong babaeng mahal ko?
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...