*21*

155 10 3
                                    

Kisses

Yung totoo,wala naman akong planong manumbat. Gusto ko lang din malaman nya yung mga tumakbo sa isip ko kung bakit di na kami nagpatuloy. Yung mga tanong at lungkot na maski ako noon di ko maipaliwanag. Umasa kasi ako na magbabago yung mga plano ng kampo nya since in a short span of time kinilala na yung team up namin. Pero wala eh,siguro hanggang dun lang talaga kami. Baka di ako yung gusto nilang maging kapareha ni Donny talaga. Nasayangan lang ako sa mga sumuporta sa amin and at the same time naawa sa lahat ng effort nila na feeling ko nabasura lang lahat. Isa pa sa ikinasasama ko ng loob,bakit ako pa yung parang may kasalanan?bat sa akin pa yung lahat ng bato ng isyu?Sabagay,sanay na ko dun eh hindi din ako para i explain pa sa lahat ng makitid ang utak at mga taong naniniwala lang sa kung ano yung mga nakikita nila. Pagod na ko. Bahala na sila kung ano gusto nilang paniwalaan,lalabas din naman ang totoo..or kahit hindi na. Ang mahalaga naniniwala sa akin yung mga taong totoo ang pagmamahal sa akin.

"I'm sorry"...dinig kong sabi nya. "I know,paulit ulit na lang ako sa kakasorry sayo..pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako masaya sa mga nangyayari. Hindi ako masaya sa resulta ng break up natin" patuloy nya habang ibinalik ang di nya nagalaw na ice cream sa tray.

Though,hindi na ko nagulat sa sinabi nyang di siya masaya,dahil kita ko naman yun sa itsura nya ngayon. He's still handsome pa din naman but nawala na yung glow eh.

"Stop saying sorry..wala na naman din mangyayari. Marami ng nasaktan and i guess,tulad ko unti unti na din nilang natatanggap na wala na talagang DonKiss."sagot ko. "Makakalimutan din nila na minsan nila tayong sinuportahan as love team. Madaming bagong labas na LT ngayon at yung iba nga lumipat na ng ship. Saka di ba yung isa mo ngang ship ang nilalayag ngayon yun ang huling balita ko. Focus on her. Sana lang wag kayong magaya sa nangyari sa atin...

"KISSES PLEASE!!!"

Naputol ang sasabihin ko pa sana ng bigla nya kong sigawan. Magugulatin pa man din ako kaya muntik na kong mahulog sa upuan. Napatulala na lang ako at nanahimik

"Im sorry..di ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Pero please naman Kisses intindihin mo naman ako.."umayos siya ng upo paharap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay,mahigpit na parang wala na siyang planong bitawan pa."Wala din akong planong sundin pa sila sakaling bigyan nila ako ng ibang makakasama,ikaw lang ang gusto ko..ikaw lang.." nakayuko siyang umiiyak habang hawak pa din ng mahigpit ang mga kamay ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na din pala ang mga luha ko. Ang sakit!ang sakit sakit! Tama nga yung sinasabi ng ilan,na saka mo lang marerealise ung halaga ng tao pag wala na siya sa tabi mo. Naging mabuting tao sa akin si Donny na kahit ang sama-sama ng loob ko sa kanila hindi ko pa din siya makuhang kasuklaman. Hindi ko din kaya na makita siyang ganito kamiserable. Ako,natanggap ko na kasi di naman to ang unang beses ko nagkaron ng loveteam,mas masakit lang ngayon kasi totoo yung feelings na pinakita ko hindi galing script or utos ng direktor kundi mula sa puso kaya siguro di  ko siya makuhang harapin noon kahit na ilang beses na siyang nagmakaawang mag usap kami.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon