Tinulungan ko siyang makabangon dahil mukang hinang hina siya.
Kisses: kaya mo n ba kumain mag isa?
Donny: Umiiling iling na itinaas ang kamay "Masakit yung kamay ko"
Kisses: eh sino ba kasi nagsabi na makipagpambuno ka dyan sa pader?akala mo naman mananalo ka dyan ng suntukan sermon ko sa kanya.
Ano?Giniginaw ka pa?Donny: U uhm sagot nyan nakanguso
Dahil masakit nga daw ang kamay nya,kinuha ko muli ung stool para makaupo ako sa bandang harapan nya para tulungan siyang makakain ng maayos. Una kong kinuha ung sabaw,hawak ko ung bowl ng mainit na soup at sinimulan na siyang subuan. Ouch!maluha luha nyang sabi. Oh my! sorry!sorry!Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang labi nyang nalapnos ko ata. Sabay kameng natigilan at nagkatinginan ng maalala ko yung Kiss kanina. Namumulang sinupalpal ko sa bibig nya yung hawak kong tissue na kanina lang ay pinupunas ko sa bibig nya.
Donny: Aray!ano ka ba?!
Sabay ng nakakalokong tawa nya na kahit di pa siya makahagalpak dahil nanghihina pa siya eh nabwisit pa din ako. Naiinis akong tatayo na sana ng pigilan nya ko sa kamay at iginiya ulet paupo.
Donny: Sorry na..pakainin mo na ko ulet pls!...masakit talaga kamay ko oh tapos nagugutom na ko..
Naku!dinadaan na naman ako nito sa mga pa pout pout nya kala nya natutuwa ako. Muli kong dinampot yung soup at sinimulan ulet siyang pakainin. This time,bahagya ko na itong hinihipan.
Donny's
Naaaliw ako na pagmasdan siya habang dahan dahang hinihipan yung soup bago isubo sa akin. Napakacute talaga ng Kisses ko. Napalunok ako nung naalala ko yung pagnanakaw ko ng halik kanina sa kanya. Yung amoy ng hininga nya na hindi na mawala wala sa pang amoy ko. Nakaka addict! Actually, kaya ko pa naman kumain mag isa. Isang kamay lang naman yung maga sa akin kaso pagkakataon ko na to para mapalapit ng ganito kalapit ulet sa kanya. Isa pa miss na miss ko na talaga siya. Kaya lahat ng chance iga grab ko na makasama ko lang siya ng mas matagal pa. Nagpapasalamat nga ako sa Parents nya sa walang kapantay na kabaitan. Nung tumawag ako kay Tito at Tita upang magpaalam na pupunta ako para makita at makausap si Kisses,wala silang pag aalinlangan na sumang ayon. Tiwala naman daw sila sa akin kaya bahala muna daw ako at uuwi muna sila ng Masbate para kunin yung ibang kailangan ni Kisses sa school and at the same time ay mabisita ang mga negosyo nila dun. Hindi ko napigilang di maiyak nung humingi ako ng dispensa sa kanila. Totoo nga na iba ang mga Delavin's. Malalaki ang mga puso para sa pagpapatawad. Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil sa pagiging makasarili ko,iniwan ko yung anak nila dahil akala ko yun yung tama,dahil sabi nila mas yun ang makakabuti sa amin. Mas makakatulong sa pag grow namin pareho. Na ngayon ko lang naisip na pwede naman kaming sabay na mag grow ah! Pwede naman na sabay kaming umakyat sa taas kasama ng mga loyal naming supporters na sa kabila ng lahat andyan pa din. Handa ngang gumastos ng malaki maipaglaban lang kaming dalawa. Tapos ako?anong ginawa ko?! Iniwan ko si Kisses..iniwan ko yung babaeng nagturo sa aking mas maging down to earth. Mas maging malapit sa mga supporters ko. Naaappreciate lahat ng effort ko. Tumatawa sa jokes kong out of this world..yung babaeng pangarap ko...selfless bukod sa matalino pa at maganda. Yung pagkakaroon nya ng mabuting puso at pagiging humble na di ko makita sa ibang mga nakatrabaho ko at nakasama. Iba siya. Iba si Kisses kasi siya yung babaeng mahal ko. Yes! Mahal ko siya..mahal na mahal. Mas napatunayan ko lang yun nung nakaramdam ako ng takot ng di nya na ako kinakausap...
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...