Kisses
Kamay agad nya ang tinignan ko pagbukas ko ng pinto.
Okay na..napacheck up ko na po,wag ka mag alala malayo sa bituka to sagot nya naman sa tingin kong nagtatanong. At itinapat pa sa mukha ko para makita na nakabenda na yung kamay nyang maga pa din naman.
Tara kain tayo!kanina pa ko nagugutom eh 7pm na din naman so sakto sa dinner sabi nyang dumirecho na ng dining area.
Napapailing na nakatingin na lang ako at niluwangan ang pinto para makapasok siya. Parang walang nangyari kung makaasta to ha. Expert talaga to sa panggugulat eh. Kanina akala mo jowa ko siya kung sermunan ako. Yung kung magalit pag di mo nasagot yung tawag eh akala mo may relasyon kayo? Natitigilan pa din akong pinagmamasdan lang mga kilos nya.
Huy!pitik nya sa hangin.
Tara na!kain na tayo. Mamaya ka na magtanong tapos nating kumain. Gutom na talaga ako,need to take my meds pa after this.
Saka ko napansin ang puting plastic bag na marahil mga gamot nya ang laman.
Tinulungan ko na lang siya na mag ayos ng mga pagkaing binili nya. Ang bango! nagutom ako sa amoy. Di ko na kasi kinain yung ininit ko sa microwave kanina kasi nga bibili daw siya ng pagkain namin. Umupo na ko sa tapat ng kinauupuan nya at nagsimula na kaming kumain. Hindi pa din ako nakibo. Di ko kasi alam kung ano sasabihin ko,actually,marami akong gustong sabihin di ko lang alam kung san ako magsisimula. Naweweirduhan ako dito sa lalaking asa harap ko eh.
Huwag mo naman ako titigan ng ganyan..Nakoconcious ako eh! Baka di ako matunawan nyan kasi sa titig mo pa lang tunaw na ko.
Yuck! Ang baduy mo!namumulang binato ko siya ng tissue na asa tabi ko. Kapal ng mukha nito!gigil kong sabi sabay tutok na sa kinakain ko.
Naiiling na natatawa lamang ako sa reaksyon nya. Ang cute talaga eh!
O,kumain ka ng marami sabay lagay ko ng kanin at ulam pa sa plato nya. Kanina kasi napansin ko na di ka na nakakain masyado sa pag aasikaso sa akin. Salamat ha..pasensya ka na naabala pa kita..
Napaangat ako ng tingin sa huli nyang sinabi. You're welcome!sa sunod wag mo na uulitin yun tinakot mo ko.
Alin dun?sabay impit kong tawa. Nakita ko ang pagtalim ng tingin nya sa tanong ko.
Gusto mo tong plato naman ang lumipad dyan sa muka mo?tanong ko. Alam ko tinutukoy nito eh,may pa pout pa ng nguso ang walanghiya! Pakiramdam ko yung mukha ko mapulang,maputla na ewan na ngayon.
Di ko na napigilang bumunghalit ng tawa sa reaction nya. Happy Pill ko talaga to eh. Alam mo,masaya ako na nakasama ulet kita ngayon seryoso kong sabi habang nakatitig sa kanya. Pilit kong hinuhuli ang mga mata nyang mailap pero bigla siyang tumayo.
Tapos ka na ba?ligpitin ko na ha..Thank you,nabusog ako. Gustong gusto kong makipag asaran sa kanya pero muli,may pumipigil sa akin. Yung takot ko. Takot na baka pag bumalik kami sa dati at masaya na ulit ako bigla na naman nya ako iwan. Bigla ulet kame paglayuin ng mga karera namin. Ayoko na maramdaman yung ganong lungkot. Ang sakit kasi eh.
Kisses please..ayusin natin to..
Kita ko sa mga mata nya ang lungkot,ang namumuong luha na ilang sandali na lang babagsak na. Ang boses nyang basag at nagmamakaawa. Hindi ko na din ata kaya. Konti na lang bibigay na ko.
Sige mauna ka na sa living room tapusin ko lang to at susunod na ko. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nya ng marinig nya ang sinabi ko..
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...