*17*

159 8 0
                                    

Kisses

Parang feeling ko ang haba ng naging araw ko at ang daming nangyare. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko,di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko lang ung pagkalam ng sikmura ko kaya siguro ako nagising. Sa kabila talaga ng lahat food is life!. Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas ako para maghanap ng makakain sa kusina. Naalala ko may natira pa pala kanina sa mga inorder kong pagkain namin ni Donny. Hindi ako masyado nakakain dahil inuna ko siyang pakainin kanina. Hindi ko naman maitatanggi na sobra akong nag alala sa kalagayan nya. Kamusta na kaya yun? naisip ko habang binubuksan ang refrigerator. Matapos kong ilagay sa microwave yung mga left over kanina, bumalik ako ng sala para hanapin naman yung cellphone ko. Hay,lowbat! agad ko itong ichinarge at baka tumatawag na sila Mom and Dad. Nung andito pa si Donny ang huli naming usap. Kaya malamang nag aalala na yun,nakatulog pa ako at lowbat ang phone.Nung maisaksak ko na sa charger yung phone ko,halos sumabog naman to sa sunod sunod na notification na pumasok dito.

Tumawag ka as soon as mabasa mo to ha nag aalala Daddy mo kanina ka pa di makontak.

-Mommy

Matapos kong mabasa ang mga texts nila Mommy at Daddy agad akong tumawag para i inform sila na okay ako. Pati yung naging pag uusap namin ni Donny,but of course, hindi kasali yung kiss at pagsuntok nya sa pader ayoko din namang sumama tingin ng magulang ko sa kanya kaya sinikreto ko na lang. Ang sabi ko na lang na baka kaya bigla siya nilagnat dahil siguro sa puyat at pagod. Naku Donny! pati tuloy sa parents ko nakakapagsinungaling na ako isip isip ko.

Oh siya,may makakain ka pa ba diyan?habang wala kami mag take out ka na lang muna ng pagkain mo sa baba,okay?tanong ni Mommy

No worries po 'My, I'm okay. Mabuti nga po yun ng matuto naman ako kung sakali wala kayo sa tabi ko tulad ngayon.

Okay anak,mag iingat ka ha. Huwag ka magpapasok ng kung sino sino diyan. Oo nga pala, tinawagan mo na ba si Donny?kanina pa yun tawag ng tawag sa amin ng Dad mo. Tumatawag din daw siya sayo di ka daw makontak. Alalang alala sayo sabi ko na lang na baka nakatulog ka lang. Kita mo,tama ako. Tulog ka nga. Sige na anak at may kausap pa din kami ni Dad mo,ingat ka dyan ha..i love you!

I love you both po!ingat din po kayo 'My. Kamusta na lang po sa kanila dyan. Pakisabi na lang po na sa susunod sasama na ako. Ilang minuto din muna ako nag isip sa sinabi ni Mommy matapos naming mag usap. Ilang beses tumawag sa kanila si Donny?Bakit?di siya busy?okay na ba siya?nakapagpatingin na ba siya sa Doktor? Bago pa ko maloka kakaisip kahit nag aalangan dinayal ko na yung numero nya.

Hello?!Kisses?!
Ano nangyare sayo?kanina pa ko nag aalala sayo dito di ka man lang nagrereply. Tumatawag ako dyan sa landline at cellphone mo di ka naman nasagot.

Bilis ah!wala pa ata isang ring sinagot na agad tawag ko?At ang daming tanong ha.

Okay lang ako,nakatulog lang kaya siguro di ko na nadinig yung phone ko at phone dito sa bahay nung natawag ka. Mas malala pa to kayla Mommy kung makasermon eh!

Well,that's good to hear. Pinakaba mo ko eh. Kumain ka na ba? Hintayin mo ko magdadala ako pagkain dyan.

Bago pa ako makasagot pinutol nya na ang tawag sa kabilang linya. Alam nya ata na kokontra ako kaya di na ko binigyan ng chance na sumagot.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon