*27*

176 12 3
                                    

"At ano naman po yun Mr.Hokage?" Naramdaman ko yung pagtawa nya dahil sa pagyugyog ng balikat nyang nakadikit sa balikat ko. Panay pa din ang paglalaro nya sa kamay kong hawak nya na ng dalawa nyang kamay.

"Para paraan din tayo eh no?di ka ba nangangawit sa pwesto mo?" Kita ko kasi na halos dumausdos na siya sa couch maidantay nya lang ang ulo nya sa balikat ko.

"Hindi!nakakarelax nga eh."

"Wow! relax ka dyan habang ako ngawit na sa bigat ng ulo mo."

Naramdaman ko ang pag angat ng ulo nya pero di pa din nya binibitawan ang kamay ko. Umayos lang siya ng upo at tumagilid paharap sa akin. Ipinatong nya ang isa nyang braso sa headrest habang ang isang kamay ay di pa din bumibitaw sa kamay ko. Ang mahaba nyang binti ay ipinatomg nya sa couch habang ang isa ay halos i cover na ang mga paa ko.

"Pwede ba tayong mag date?" tanong nya na nagpaawang sa mga labi ko.

"I mean,pwede ba kitang maging date sa ball?"ulit nya.

Pasimple akong napabuga ng hangin dahil sa kaba. Ang bilis talaga nito kahit kailan.

"Ha?!bakit pag sinabi ko bang oo!magiging posible na ba sa atin ang lahat?" tanong kong medyo ikinabasag ng tinig ko.

"Bakit hindi?!eh tayo naman ang magka date nung nakaraan" sagot nya.

"Noon yun. Nung hindi pa tayo nagkakahiwalay. Natural tayo magiging date eh may project tayo together. Eh ngayon?may dahilan pa ba? Saka bakit ako?bat di ka na lang mag aya ng iba naman" medyo di ko nadinig ang sarili ko sa huli kong sinabi. Kaya ko nga kaya na makita siyang iba ang inaalalayan?na iba yung pagtutuunan nya ng pansin the whole night?be careful what you wish for Kirsten. Paalala ko sa sarili ko.

"Bakit sayo ba may nagpropose na ng date? I saw some tweets from that Koreanong hilaw na nagfiflirt sayo ah. Mukhang gustong pumapel like nung isang musikero na panay tweet ng namimiss ka na daw nya,na akala mo naman ang lalim ng pinagsamahan nyo kung umasta,close kayo?!" Mukang pikon nyang sabi.

Naaaliw ko siyang pinapanuod habang gigil na gigil sa mga sinasabi nyang nakita nya daw sa Twitter. Actually,nabasa ko din yun sa dami ba naman ng nagtatag sa akin at nagmemention.

Eh ikaw bat mukang selos na selos ka?! Jowa?Jowa kita?! biro ko.

Nagulat ako ng bigla nyang binitawan ang kamay ko at lumayo ng bahagya sa akin. Bakit?totoo naman ah di naman kami talaga mag jowa..panay lang hokage nito sa akin eh di lang ako makareklamo kasi gusto ko din naman. Natatawa ako sa mga naiisip ko. Kaya pag lingon ko sa kanya di ko na napigilan mapabunghalit ng tawa.

Sige na,uuwi na ko paalam nya sabay ahon sa kinauupuan.

Di na talaga maipinta ang mukha nya sa sobrang lukot. Na kahit yung ate ko dito sa bahay mahihirapang plantsahin yung mukha nyang lukot na lukot ngayon. Sa kakatawa di ko na namalayan na malapit na pala siya sa pintuan at hinihimas himas lang ang ulo ni Kirby bilang pagpapaalam. Agad akong tumayo at hinabol siya ng akmang bubuksan nya na ang pinto. Niyakap ko siya patalikod at idiin ang pisngi ko sa likod nya.

Sorry...at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Unti unti siyang pumihit habang hawak ako sa mga braso at ng tuluyan kaming magkaharap niyakap nya ako ng mas mahigpit at hinalik halikan ang tuktok ng ulo ko.

I'm sorry..hindi naman ikaw ang pinagtatawanan ko. May naisip lang akong nakakatawa kaya napalakas ang tawa ko. Pero hindi ikaw yun promise! sabay angat ng ulo ko. Hindi na ko nakapalag ng halos iangat nya na ko sa sahig habang dumadampi dampi ang labi nya sa labi ko. Mga banayad lang nung una na unti unting lumalalim.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon