*20*

176 9 1
                                    

Donny

Kinakabahan man masaya ako na sa wakas mapapag usapan na din namin ang mga nangyari. Ibig sabihin ready na siyang makinig sa mga paliwanag ko. Ilang buwan ko din tong hinintay..hinintay na sana kahit pakinggan nya lang ako. Dahil sa maniwala siya o hindi,lahat ng kabutihang pinakita ko sa kanya galing lahat sa puso yun. Dikta ng puso. Hindi ng kung sinong Poncio Pilato. Noon,hirap pa kong i acknowledge na gusto ko na siya kasi naman ang daming epal besh! Pero ngayon handa na ko. Handa na kong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya,ayoko ng lumayo ulet sa kanya. Di ko kaya. But,sa ngayon kelangan ko muna ipaliwanag ang side ko. Pag okay na lahat at maintindihan nya saka ako magtatapat,ayoko namang biglain siya. Mahirap pa naman ibalik ang tiwala nya sa tao once na sinaktan na siya nito. Ang mahalaga maipakita ko sa kanya na seryoso ako. Natigil ang pag iisip ko ng makita ko siyang papalapit na may bitbit na tray. Agad akong tumayo para salubungin siya at kunin ito sa kanya.

"Thank you!"tipid nyang ngiti sa akin.

"Ice cream?!"tanong ko ng makita ko ang dalawang pint ng ice cream at dalawang kutsarita.

"Hindi. Ulam yan,ulam."seryoso nyang sabi.

Natawa ako sa biro nya tapos yung mukha seryoso. Unti unti, alam ko maibabalik din kita sa dati. And promise, di na kita iiwan.

"Uy!nagjojoke na siya"...

Sinamaan nya lang ako ng tingin pero nangingiti na din.

"Eh pano ba naman obvious naman na ice cream yan, tignan mo nga nagpapawis pa tapos tatanung tanong ka pa!"

Natatawa na lang ako habang inilalapag ang tray sa lamesa. Naupo siya di kalayuan sa akin at binuksan ang T.V.
Muli dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Kinuha nya ang isang pint ng ice cream at binuksan ito bago ibigay sa akin. Binuksan nya din ang isa pa at nagsimula na itong kainin. Tahimik lang kaming nakatingin sa T.V habang kumakain. Walang gustong magsimulang magsalita. Napalingon ako sa kanya ng madinig ko siyang tumikhim.

"Tagal na din pala nung huli mong punta dito no?" sabi nyang nakatutok pa din sa telebisyon.

Kelan nga ba?ngunit di ko na siya ininterrupt. Hahayaan ko muna siyang magsalita baka kasi pag sumagot ako di ko na naman madinig yung mga bagay na gusto kong madinig mula sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ba ang dapat kong gawin para bumalik kami sa dati.

"Akala siguro ng iba na nag iinarte lang ako kaya urong-sulong ako sa pakikitungo noon sayo. Akala siguro nila na ako yung may ayaw na makatambal ka." sabay lingon nya sa akin.

Nasasaktan akong makita yung pait sa mata nya kaya binawi ko ang tingin ko.

"Alam mo bang kung ilang beses ko tinanong sa sarili ko kung ano bang kulang sa akin?na bat ba lagi na lang akong iniiwan?mabaho ba hininga ko?may amoy ba ko sa katawan?Lahat..hanggang sa pinakamababaw na dahilan tinanong ko ang sarili ko kung bakit?" patuloy nya sabay ngiting pilit sa akin. Muli nagtama ang mga mata namin ng isa isa kong madinig yung mga asa loob nya nung panahong iniwan ko siya sa ere. Nakita ko yung Kisses na matatag,na sa kabila ng mga sakit ng sinabi nya,napanatili nyang kalmado ang sarili nya. Controlled nya na ngayon ang emotions nya. Ako ang unang sumuko,binawi ko ang tingin ko at napayuko. Nahihiya ako sa mga nagawa ko.Sabay ng pagpatak ng tubig mula sa nagpapawis na lagayan ng ice cream na hawak ko,pumatak ang mga luha ko.

"I'm sorry for making you feel that way. Hindi ko sinasadya. If only i could turn back time,ako na mismo ang kumontra sa kagustuhan nilang magsolo ako. Hindi ko nakita na magiging ganito ang resulta. Na andaming taong masasaktan,including you. Lalong lalo ka na." kasabay ng mga luha kong sinabi sa kanya.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon