Part 14

155 8 1
                                    

Love come here...nakapikit na tawag nya sa akin,mukang nananaginip ang hudyo!

Ano daw?! Love?!
Ako?! mas tanong ko sarili ko yun kesa sa kanya. Love?! Kelan pa?!
Ibang klase din naman talaga to eh no? magdedesisyong magsolo tapos eto babalikan ka at kung ano ano pinagsasabi at ninakaw pa ang kauna unahan kong halik kung kelan napapag aralan ko ng mag move on sa kanya? Punyetang lalakeng to naman! Kung wala lang tong sakit tinadyakan ko na to eh. Pinahid ko ang mga luhang di ko namalayan na pumatak na pala sa mga pisngi ko at tumalikod pabalik ng kwarto ko. Bitbit ang isang quilt na bumalik ako sa kinahihigaan nya. Oh ayan!siguro naman di ka na lalamigin nyan sabi ko habang binabalot ko siya nito.Ramdam ko ung nginig ng katawan nya kaya halos gawin ko na siyang lumpia sa pagkakabalot ng quilt. Inayos ko siya sa pagkakahiga mula sa pamamaluktot nya at muli ko siyang pinunasan ng may kalamigang tubig. Tumayo ako matapos nito at hinagilap naman ang remote ng aircon upang hinaan ito. Lumapit ako sa telepono upang tumawag sa isang kainan sa baba at agad nagpadeliver ng makakain naming dalawa. Anong petsa na di pa kami naglalunch. Kelangan nya ding kumain at ng makainom ng gamot. Hindi pwedeng puro banyos na lang ng tubig ang gawin ko sa kanya. 20mins?okay sige thank you ha ani ko sa isang staff ng resto na nakasagot ng tawag ko. Dinampot ko ang isang stool matapos kong maibaba ang telepono at pumwesto sa may bandang ulunan nya. Mas okay dito sakaling bigla siyang magising di nya ako mahuhuling nakatitig sa kanya. Hinipo ko ang noo nya para i check kung wala bang nagbago sa temperature nya dahil kung hindi tatawag na talaga ako sa Parents nya gamit ang phone ko.Bahala na!ang mahalaga malaman nila na andito anak nila at may sakit. Namiss din naman kita..miss na miss,kausap ko sa natutulog na si Donny. Hindi ko na namamalayan na hinihimas ko na pala ang noo nya pataas sa buhok nya. Kaya nga ako nasasaktan kasi tama ata yung sinabi ng nakakarami na minahal na ata kita. Kaya ako todo iwas sayo after tayo mabuwag kasi di ko kaya na makita na iba na yung kasama mo at hindi na ako muli pinahid ko ang luhang dumaloy sa 'king pisngi. Akala ko nga okay na ko..unti unti ko na natatanggap na wala na talaga. Na di na kita ulet makakasama tapos biglang eto susulpot ka? Muling pinahid ko ang luha ko ng madinig ko ang doorbell. Thank u po Mam Kisses!.Nakangiting tumango lamang ako sa Delivery Boy bilang tugon. Pagkakuha ko ng mga inorder ko di ko na kinuha sa kanya ang sukli at isinara ko na din ang pinto. Dumiretso ako ng kusina para ayusin sa tray ang mga pagkain na inorder ko. Sinamahan ko na din ng soup para makahigop siya ng sabaw at pagpawisan. Nilapag ko sa center table ang pagkain at sinimulan ko na syang gisingin. Napansin ko na basa ang unan nyang ginamit,marahil,sa pawis.

Kisses: Donato..Donny..tara!kumain muna tayo ng makainom ka ng gamot marahan kong tapik sa balikat nya. Ganda talaga ng eyelashes nito isip isip ko.

Donny: hmmm

Unti unti nyang dinilat ang kanyang mga mata na medyo namumula pa...

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon