Kisses
Tumayo na ko senyales na gusto ko ng matapos yung usapan namin. Hindi ko din kasi matagalan ung itsura nya ngayon. Kung payat siya noong nakilala ko siya mas payat siya ngayon,nanlalalim ang mga mata at yung mata nya na cute na cute ako noon di ko na makita yung kislap. Ngarag c Kuya nyong Donny,in short. Kakalokah! ako, pumayat sabi nila at yung mga mata ko nga din daw na di na tulad ng dati nung kasama ko pa tong ugok na to. Pero mas blooming daw ako ngayon, sabi nga nila di ba after break up ang girls iiyak sa umpisa pero habang tumatagal paganda na ng paganda kasi nakamoved on na. Ang lalake naman daw happy happy sa una kasi nga nakawala na sa sakit ng ulo. Magagawa na nila gusto nila kasi wala ng magbabawal,pero,pag tumagal g tumagal,ayan na yung dating party party lang sa bar ginawa ng bisyo,nilulunod na yung sugatang puso sa alak hanggang ayan!ngarag!hahaha kalokah mga naiisip ko panong break?eh di naman naging kame.
Kisses: Yun lang ba sadya mo?wag mo ko alalahanin okay lang ako,sanay na naman ako maiwan....joke!!!
Napaangat ng ulo si Donny sa huli kong sinabi. Nasapul ko ata hahaha. Pero binawi ko na lang din ayoko naman ipahata na pait paitan ako no?kunyare strong tayo pero ang higpit na ng kapit ko sa sofa. Namimiss ko na kasi tong lokong to.
O pano?baka kasi naghihintay na sa ken sila Mom and Dad sa baba sabi ko may sasabihin ka lang ata.
Donny : (clear his throat) ahm ganun ba?..pasensya naabala ko pa kayo. Uuwi ba kayo sa Masbate?
Kisses: Oo eh! Hindi ko na sinabi pa kung ano reason ko kung bat ako uuwi ng Masbate. Ayoko ng patagalin yung usapan namin. Ganon ako pag masama loob ko sa tao or nakasamaan ko ng loob?nahihirapan ako ulet makitungo. Trust issue.
Donny : Kelan balik nyo?pwede ba kitang ayain ng dinner pagbalik mo? alanganin kong tanong sa kanya. Nilakasan ko na yung loob ko kahit nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka i turn down nya yung dinner date na hinihingi ko. May iba kasi sa kanya,kung dati di siya makatingin ng direcho sa ken pag kame nagbibiruan,ngayon,feeling ko nanlilisik mata nya habang nagsasalita kahit na yung boses nya eh ganon pa din naman. Soft spoken pero ramdam mo yung bigat ng salita. Ramdam kong may tampo o baka nga galit eh. Kulang na lang palayasin na ko nung biglang tumayo. Alam ko ako may kagagawan kung bakit ganito na siya ngayon. Cold.
Kisses : Dinner?para saan?taas kilay kong tanong. Di ba nilalayo ka nga nila sa kin? Tapos eto aayain mo kong mag dinner. Eh pano kung may makakita sayo na kasama mo ko? Wag mo ng gawing komplikado lahat Donny. Ayos na eh.. ayos n ko tapos eto k na naman wiwindangin ang mundo ko?tama na...kapagod na eh tapos sa gitna ng laban iiwan mo na naman ako? May movie ka,may movie ako..pareho tayong may kanya kanyang kapareha dun tapos makikita nila tayong magkasama?ano yun?Panindigan mo na lang yan,wag mo na ko idamay..mabuti't nabawasan ang bashers ko. Abah!madami dami ka din kayang fans na ayaw sa kin...
Donny : I miss you!putol ko sa sasabihin pa sana nya. I missed you so damn much!!Naiiyak kong sabi. Nilapitan ko siya na napatulala sa sinabi ko. Matapos ko siyang hawakan sa magkabilang braso upang titigan ng malapitan ang mukha nyang ilang buwan ng di nagpapatulog sa akin,kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at hinaplos haplos ito sa napakadulas at mabango nyang buhok habang di ko p din inaalis sa pagkakayap ang kanang braso ko,na sa haba kahit isang braso lng sakop na ata yung buo at balingkitan nyang katawan.
BINABASA MO ANG
Separate Lives (a DONKISS story)
FanfictionHello DonKiss shippers!sana magustuhan nyo tong kauna unahang story ko n gagawin inspired by Donny and Kisses. Kung meron mng pagkakapareho s tutuong nangyare o sitwasyon pls don't judge me😅wala po aqng alam lahat ito eh pawang imahinasyon lamang...