*26*

154 8 2
                                    

"Ano sa tingin mo?ano maganda dyan?"tanong ko sa kanya habang seryoso nyang pinag aaralan ang mga designs.

Matapos naming pagtulungang iligpit ang mga pinagkainan namin dalawa gumawa ako ng kape at sabay naming tinungo ang living  room upang tingnan ang mga gawa ni Jot. Seryoso siyang titig na titig sa mga copies na akala mo alam na alam nya yung tungkol dito. Pero ang mas napansin ko ay ang halos paitsa nyang lapag ng ilan sa mga designs. Nang tanungin ko sya kung bakit ang sabi nya too revealing daw habang halos magpanagpo ang dalawa nyang makakapal na kilay.

"Patingin!" Agaw ko sa mga papel.

"Hindi naman ah.."angal ko.

Tinignan nya lang ako ng nakasimangot at saka ibinalik ang tingin nya sa mga sketches. Hindi na lang ako umimik at hinayaan siya habang sumisimsim ng ginawa kong kape.

"Yung kape mo lalamig na. Masyado mo namang dinidibdib yan!" pabiro kong sabi habang inginunguso ang kape nya.

"This one!" nasisiyahang turo nya sa sketch na nakalatag sa center table. "Bagay yan sayo,mas okay na yung may konting pabalikat kesa naman sa halos dibdib o kalahating likod mo na ang nakalabas,mamaya sipunin ka pa dun."

"Donato!" Namumula ko siyang hinampas dahil parang natural lang sa kanya na magbanggit ng tungkol sa dibdib. Natatawa lang naman nyang iniilagan ang mga hampas ko.

"Hmmm sarap ng kape mo ngayon ha" - D

"Bakit nung mga nakaraan ba hindi?" - K

Nagkibit balikat lang siya bilang sagot.

"Ah ganon ha...akin na nga yan!" sabay agaw ko ng cup sa kanya.

"Hahahahha ikaw naman di na mabiro..ito kaya ang pinakamasarap na kape na natikman ko. Kita mo lagi kong binabalikan kasi di ko makalimutan eh."

Nagkatitigan kaming dalawa matapos nyang sabihin yun. Feeling ko kasi may double meaning eh. Di naman ako assumera pero parang iba yung dating. Ngumiti na lang ako sa kanya ng makabawi sa pagkabigla.

"Sus!kaya pala panay ang starbucks kasi sobrang sarap ng kape ko eh no?!neknek mo Donny!" sarcastic kong tugon sabay ligpit ng mga cups at dinala na ito sa kusina. Pagbalik ko naabutan ko siyang nakasandal ang ulo sa headrest ng couch at mukang malalim ang iniisip. Nakapikit man alam kong may iniisip siya dahil panay ang galaw ng sexy nyang jawline at pagkibot kibot ng mga labi nya. Napalunok tuloy ako ng may naalala akong...hayy ikaw talaga Kisses sabi ko sa sarili sabay hampas sa hangin. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi nya. Kinuha ko ang isang throw pillow at inilagaya ito sa ulunan nya.

"Baka mangawit yang leeg mo" sabi ko habang inaayos ang pwesto ng ulo nya. Nagulat ako ng bigla nyang alisin ang unan at hinila ako palapit sabay hilig sa balikat ko.

"Hoy ano ka ba!mamaya dumating ang parents ko o si Ate baka isipin ano ginagawa natin!" Piglas ko pero dahil nga malaking lalake at gwapo pa umiral ang pagka marupok ko.

"Sakit ng ulo ko!" lambing nyang tugon. Jusko sa boses pa lang sino ba namang eba ang di matitinag sa modulated nitong boses.

"Para yun lang sumakit na ulo mo?di ko naman sinabi na seryosohin mo yung pagpili ng gown ko. Teka kukuha kita gamot. Tuwing napunta ka dito laging may masakit sayo. Ano ba akala mo dito sa condo namin?ospital?" Dire direcho kong sermon sa kanya. Tatayo na sana ako ng lalo naman nyang binigatan ang sarili nya dahilan para mahirapan akong umalpas sa kanya.

"Pakawalan mo muna ako at kukuha ako ng gamot."

"Huwag na..mawawala din to..may gusto lang ako itanong kaya pwede dito ka lang sa tabi ko?"pakiusap nya sabay hila sa kamay ko at ikinulong ito sa palad nya habang patuloy na nakahilig ang ulo sa balikat ko.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon