06

10.9K 278 4
                                    


"Goodmorning Mom wow red roses Mi?" Nang makita ko ang malaking boquet ng flowers sa may center table ng sala. "May manliligaw ba Mommy ko? Who?"

"Tsee. Para sayo yan Rain."

"What???!!" Nagulat ako. Agad tumaas ang kilay ko. "From where from who?"

"Aba malay ko sayo nak. Ikaw ang may manliligaw not me. Galing ba yan kanino? Kakarating mo lang sa pinas may manliligaw ka agad? Bakit di ko alam?"

"Mom i have no idea. Swear. Kaya nga nagulat ako diba?" Kinuha ko ang flowers at binasa ang nakasulat sa card. Room 1627 @ 2pm. Hmm! Oh no!

"So kanino galing?" Pag usisa ni Mommy.

"Sus sa manager ko lang pala Mom. Namiss niya ako kaya ito nagpadala ng flowers." Pagsisinungaling ko. Sheyt! Buti nalang di binasa ni Mommy yung card. Ugh!

May pa flowers ang senadora. Nananadya ba siya? Pwede naman siyang tumawag o mag text kung gusto niyang makipagkita. May pa flowers pang nalalaman ayan tuloy muntikan ng mabuko or gusto talaga niyang mabuko kami. Ugh! Nakakainis talaga siya. Hay naku!

Senator
Calling.....

Ugh! Tumawag pa.

"Sino naman yang tumawag sayo?" Si Mommy sabay tingin sa phone ko.

"Ahm si Marg Mi. Sagutin ko lang. Excuse me." Lumabas agad ako ng bahay. Pipahirapan ako ng babaeng ito talaga.

"Hello." Agad akong sagot nang makalabas na ako ng bahay.

"You like it?"

"Bakit may pa flowers pa pwede mo naman akong e text if u wanna see me diba? Gusto mong magduda si Mommy? Dami tuloy tanong."

"Owh sorry. Wont happen again." Sagot niya sa kabilang linya.

"Why ba? Bakit gusto mong makipagkita at sa hotel pa talaga. Another lunch na naman?"

At natawa siya. "Funny. I wanna see you again. Wanna spend time with you and coffee kasi tinulugan kita kahapon instead na magcoffee so tuloy natin later. Okay?"

"Sa dami mong trabaho naisipan mo pa talaga to noh? And why me?"

"Cuz you're different. You make me ---- hmm nevermind. Ill see you later."

"Fine then."

At binaba na niya ang phone. Ughh!

Bumalik na ako sa loob ng bahay at di pa rin maipinta ang mukha ni Mommy nagdududa pa rin siya dahil sa flowers.

"Mom baka late na ako makauwi mamaya. May date kami ni Marg."

"Marg kaya o yang manliligaw mo?" Sabay sulyap niya sa flowers.

"Mom wala akong manliligaw okay? Swear Mi cross my heart wala."

"Basta pag may manliligaw ka dapat pupunta siya dito sa bahay at ako ang una niyang ligawan. Okay?"

"Yes Mommy. Okay po." Hinalikan ko ang pisngi ni Mommy and niyakap. "I love you."

"I love you more baby."

------

Malapit na ako sa room 1627 nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang isang babae. Magandang babae. Napahinto ako at napatingin sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti at dretso na siyang naglakad papuntang elevator. Napailing ako. Sino naman kaya yun. Pumasok na ako kasi hindi naman siya nakalock. At agad kong nakita si Senator na nagbibihis nakatayu sa gilid ng kama. Napalingun siya at agad ngumiti habang nagbibihis.

"Sino yun?" Agad nagsalubong mga kilay ko.

"Who?" Tanong din niya wow maang maangan pa.

"Yung lumabas galing dito. Sino yun?"

Senator Lindsay AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon