-Senator-Nang makatulog na si Enrico lumabas ako ng kwarto at bumaba nang may nakalimutan akong papers na naiwan ko sa loob ng sasakyan.
Senator Enriquez
Calling...."Yes hello Senator?" Sagot ko ng makalabas na ako ng bahay.
"Hi Senator Alvarez. I need the documents tomorrow. Kailangan na ng Senate President.
"Sure Senator Enriquez. I've already signed it and Ill send it to your office tomorrow. "
"Okay. Thank you Senator. Goodnight."
"Goodnight Senator. Bye."
Nang makuha ko na ang papers sa sasakyan bumalik na ako sa loob ng bahay agad na akong umakyat sa hagdanan..
"Who's the new girl?!"
"Jesus Christ!! Are you killing me Nicole?" Nagulat ako at agad napalingon sa kanya habang nakaupo siya sa couch sa may sala. Napahawak ako sa dibdib. "Gosh!" Bumaba ako ulit at nilapitan siya baka marinig pa kami ni Enrico. Umupo ako sa kabilag couch at napasandal.
"Do you think magustuhan to ni Dad if he finds out you brought the same girl sa hotel? I know you Senator. You dont want to see her again if you dont like her. So do you like her?" Napatingin ako kay Nicole at nakatingin din siya sa akin habang naka crossedarm. Napailing ako.
"Yes i do like her. Happy?"
"What? Are you out of your mind? And who is this woman?" Nagsalubong agad ang mga kilay ni Nicole sa narinig niya.
"Why should i tell you?"
"Because Im your ex!"
Agad napataas ang kilay ko sa narinig ko sa kanya.
"Excuse me? Ha? Ex? You're not my ex. There was never an us Nicole so please leave me alone!" At agad akong tumayo at tinalikuran siya.
"Ill tell Dad."
Napalingun ako sa kanya sa sinabi niya.
"Then, Ill kill you!"
"Fine! Anyways, You're invited tomorrow for the signing contract of our new model. The new face of Benetiz Pacific Airlines. You're a shareholder of the company thats why you're invted." Nagulat ako sa sinabi ni Nicole.
"New face? New model? Bakit hindi ko to alam?"
"Because you are busy ang dami mong ginagawa and now you know." Tugon niya sa akin sabay tayu.
"Who's the model?"
"I dont know I heard choice siya ni Dad. Please be there. You should be there Senator. Your presence is highly appreciated. Goodnight." Sabay halik niya sa pisngi ko at nagtungo na sa kanyang kwarto pagkatapos.
---
"So you're working now? I mean kailan ka lang naging interesado sa pagpili ng model para sa company?" Tugon ko kay Enrico habang kumakain kami ng breakfast."