- Rain -"Congratulations Mommy." Sabay yakap ko kay Mommy. Opening ng restaurant nila ngayon ni Lindsay.
"Thank you anak."
"Congratulations love. I love you so much." Yakap ko din kay Lindsay.
"Thank you love. I love you more." Sabay dampi ng halik ni Lindsay sa mga labi ko.
Iniwan ko muna ang dalawa at busy sila kakaentertain sa kanilang mga bisita. Pinuntahan ko naman sa table sila Nicole.
"How's everyone?"
"All good Rain." Sagot sa akin ni Nicole. Umupo ako sa table nila kasama ko sila Marg and Ate Reese si Chairman naman may kausap na isang politician ganun din ang Daddy ni Lindsay si Scarlett naman may kabangayan sa phone im sure assistant niya whats new.
"Hey?"
"What?" Si Nicole.
"Wala ka bang balak mag settle down?" Tanong ko sa kanya.
"Kaya ayukong magkaroon ng sister eh."
"Umayos ka nga!"
"Sis uu naman noh pero sino naman? Darating din ako diyan pag meron na." Sagot niya sa akin. Pero hindi seryusong sagot may maisagot lang.
"Para naman maging maayos na yang buhay mo."
"Maayos naman buhay ko Rain. Ito lang utak ko di maayos."
"Buti alam mo."
"Ugghh!" Si Scarlett na bumalik sa table na nagdadabog.
"What's going on?" Tanong ko agad sa kanya.
"Fashion ko nextmonth tas wala pang mga newfaces na models ayukong paulit ulit nalang nakakasawa. " Sagot niya.
"Mag pa go see ka. Post mo sa socialmedia ng SAV clothing im sure maraming magpa screening." Sagot ni Nicole.
"Tanga din naman kasi tong marketing ko. Kakainis."
"Dont worry ill help you." Sagot ni Nicole.
"Me too so dont worry may time pa naman okay?" Tugon ko rin sa kanya. May fashion show siya na magaganap nextmonth kaya super busy ang spoiled na Scarlett.
--
"Hi Dad how are you?" Si VP Alvarez na nag iinum ng wine sa may labas ng restaurant. "Bakit andito ka sa labas?" Tanong ko sa kanya.
"So crowded na inside Rain kaya ito nagpapahangin na muna ako. Why you're here baka hinanap ka na Lindsay dun sa loob."
"Nah busy siya Dad sa mga bisita nila ni Mommy and nakita kita here alone kaya lumabas ako baka hindi ka okay o may kailangan ka?"
Ngumiti si VP Alvarez sa akin.
"Maswerte si Lindsay sayo Rain. Mabait ka anak. Napakabuti mo and salamat at nilapitan mo ako dito. Alam mo ang dami kong pagsisisi sa buhay akala ko too late na lahat sa mga nagawa ko pero hindi pa pala and salamat na dumating ka sa buhay namin. Isa ka nagpabago ng pananaw ko Rain."
"Masaya po ako Dad na narinig galing sayo yan. Maraming Salamat din po sa pagtanggap sa akin."
At yumakap ako kay VP Alvarez. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng ama. I miss my Dad.
---
- Senator -
"Im so happy for you."
"Thank you Enrico and Im so happy for you too." Sagot ko kay Enrico nang nilapitan niya ako sa may counter ng bagong open na restaurant namin ni HoneyLee.