- Scarlett -"Look!" Sabay pakita ni Mama ng phone niya. "Kailan ka titigil pag na eskandalo ka na at yang si Senator?"
"BLIND ITEM: Young businesswoman model, mistress ng isang controversial Senator. Sino ito?"
"Ayss Ma naman eh! Wala na nga diba? I told yah." Habang kumakain kami ng breakfast. Umuwi na muna kasi ako dito sa bahay namin. Nabored ako sa condo ko. "Nag iingat kami Ma okay?"
"Nag iingat? Bakit may blind item kung nag iingat ka ha?" Patuloy ni Mama.
"Ma wala na okay? Di na muna kami magkikita diba nag usap na kami."
"Scarlett umayos ka."
"Mama naman eh!"
Di na nagsalita pa si Mama. Naintindihan ko naman siya nag alala lang siya sa akin dahil ayaw talaga niya ng gulo. At ayaw niyang magulo ang buhay ko. Ay naku. Anong magagawa ko eh parte na ako ng buhay niya.
"Huwag ka munang pumuntang SAV ako nalang muna ang pupunta dun at dito ka lang sa bahay hindi ka uuwing condo mo."
"Ano naman gagawin ko dito magmukmuk?"
"Gawin mo lahat ng gusto mong gawin basta dito ka muna baka may paparazzi sa labas o di kaya sa mall. Worst hindi lang paparazzi mga tauhan ni Alvarez o ng mga Benetiz. Naku! Kaya huwag kang lalabas ng bahay."
Tama naman si Mama mabuting dito nalang muna ako sa loob ng bahay. Daig ko pa celebrity nito.
---
Senator
Calling..."Hello."
"Scarlett where are you?" Si Senator sa kabilang linya.
"Dont worry. Andito ako sa bahay."
"Good. Huwag ka munag lumabas ng bahay ha Scarlett. And kung may tatawag sayong press o media sagutin mo lang but magdeny ka okay?"
"I know. Alam ko gagawin ko. Huwag ka ngang mag worry sa akin mas isipin mo yung sarili mo you're the Senator."
"I can handle myself mas nag alala ako sayo akala ko kasi lumabas ka ng bahay. Palamigin mo na ang issue ----"
"Uu na para kang si Mama. Di na ako bata."
"Scarlett?!"
"Yeah yeah."
"I have to go na im here sa Senate hall. Ill call you back okay? I love you. Bye." At binaba na niya ang phone. Napailing nalang ako. Nakuu talaga. Ugh! Anong gagawin ko dito sa bahay magtatambling! Ayss
--------
- Senator -
Enrico
Calling .."Hi hon." Agad kong sagot habang papalabas ng Senate hall.
"Where are you?"
"Palabas na ng Senate hall. Why?"
"Okay. Dumeretso ka dito sa opisina and sabay na tayo maglunch." Si Enrico.
"Okay. See you." At binaba ko na ang phone. Ayss alam ko na ang pag uusapan namin.
--
"Im sure nakita mo na yung blind item. Akala ko ba nag iingat ka?" Habang nasa kalagitnaan kami ng lunch sa isang restaurant na nasa Benetiz Building lang din.
"Hindi naman tayo sure kung ako ba ang nasa blind item."
"Lindsay we're not stupid. We both know na you and Scarlett ang nasa blind item." Sumeryuso ang tono ng boses ni Enrico. Halatang hindi niya gusto ang mga nangyayari. "Kailangan tayong umiwas sa gulo sa kontrobersiya kasi may pangalan tayong iniingitan and you know that. Hindi lang Benetiz kundi pati na ang Alvarez lalo na ang Daddy mo."