- Senator -"Se-senator?!" Ang nagulat na Mama ni Scarlett nang bigla akong dumating sa kanilang pamamahay.
"Si Scarlett?!"
"Nasa kwarto niya. Tawagin ko lang Senator. Please have a seat."
"No need. Ako na ang pupunta sa kwarto niya!"
"Pero ---"
"Dont try to follow Daisy. Kakausapin ko lang yang anak mong matigas ang ulo!"
"Senator -----"
Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin sa akin ni Daisy. Umakyat na ako sa itaas at dumeretso sa kwarto ni Scarlett.
Knock! Knock!
Agad bumukas ang pinto. Nagulat si Scarlett nang makita ako. Pumasok ako sa loob at sinirado ang pinto.
PAK!!
Isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Scarlett. Napahawak siya sa kanyang pisngi.
"What the hell??!" Ang hindi maipintang mukha ni Scarlett.
"What the hell??! Really Scar? Nagpakita ka kay Enrico sa loob pa mismo ng Benetiz? Anong nakain mo ha? Anong sinabi ko sayo? Ipapahamak mo ba ako? Scarlett naman!" Napahawak ako sa aking noo. "Bakit mo yun ginawa? Why?!! Why!?!"
"Sinampal mo ako dahil lang dun?!"
"Dahil lang dun? Lang? Scarlett ako ang papasan sa lahat ng mga pinagagawa mo. Binawalan na kita? Paulit ulit bakit di mo yan maintindihan ha?! Binigay ko naman lahat ng kailangan mo lahat ng gusto mo ano pa ba ang gagawin ko ano pa ang kulang??!!"
Bigla akong yinakap ni Scarlett at umiyak. "Im so sorry. Wont happen again. Swear. Im sorry."
Napabuntong hininga ako. At napayakap nalang din ako sa kanya.
"Please dont do it again. Im sorry if nasampal
kita. Im so tired Scarlett. Please.""I swear. Hindi na." Umiyak siya. Ayss.
"Stop cryin."
"I love you. I wanna be with you." Si Scarlett. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mukha ko. "I wanna be with you."
"Scarlett i told you diba if maging okay na ang lahat. Naintindihan mo naman yung sitwasyun ko ngayon hindi pa talaga pwede diba?"
"Who's that woman?"
Bigla akong natigilan sa tanong niya.
"Ahm a special friend and hayaan mo lang muna ako sa kanya. Masaya ako Scarlett everytime na kasama ko siya. Sana maging masaya ka muna sa akin kahit ngayon lang."
"May time ka sa kanya pero wala kang time sa akin?" Umupo siya sa gilid ng kama at agad ko siyang tinabihan.
"Dahil magkaiba ang sitwasyun ninyu."
"Magkaiba? How come? Alam ba ni Chairman? Pareho kaming sekreto so anong pinagkaiba Senator?"
"Look Scarlett. Mainit ang mga mata ng publiko sa ating dalawa. Kilala ka nila."
"And siya hindi? Wala pang alam ang publiko sa kanya?" Seryusong tugon ni Scarlett. "Mas inuuna mo ang libangan mo keysa e solve lahat ng problemang ito. So yan ba ang sinasabi mong sitwasyun na dapat kong maintindihan ha Senator?! Mahal mo na ba siya?!"
"She makes me happy."
"Well, then."
Tumayo si Scarlett at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. "You can leave now. Dont worry I wont bother you anymore."