27

8K 198 10
                                    



-

"Senator Alvarez nakita sa London na may kasamang ibang babae!"

"Senator Alvarez namataan sa isang mall sa London kasama ang model ng Benetiz Airline na si Rain Navarro!"

"Senato Alvarez kasama ang modelo na si Rain at hindi ang napabalitang ka live in partner na si Scarlett ng SAV Clothing!"

"Ano ang tunay na relasyon ni Senator Alvarez sa modelong si Rain Navarro?"

-

- Senator -

"HoneyLee Im so sorry." Nang tinawagan ako ni HoneyLee agad nang lumabas ang issue namin ni Rain.

"Lindsay umuwi kayo dito dalhin mo ang anak ko kung ayaw mong lumaki pa ang issue nato."

"Yes HoneyLee. Again Im sorry."

"I dunnu Lindsay. Bakit nakuha niyong dalawang maglihim sa akin lalo na ikaw, magkaibigan tayo." Mangiyak ngiyak na boses ni HoneyLee sa kabilang linya.

"Sasabihin ko naman talaga sayo naghanap lang ako ng right time. Hope you understand Hon. You know me." Sagot ko sa kanya.

"Paano si Scarlett?"

"Uuwi kami and aayusin namin lahat ito."

"Please." At agad binaba ni HoneyLee ang phone. Napatingin ako kay Rain na nakapikit habang nakasandal sa upuan dito sa sala. "Rain?"

"Lets get married."

Nabigla ako sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin. "Let's get married."

Napatitig ako sa kanya at agad napangiti. "What? Ngingitian mo lang ako? Diba ito ang gusto mo? Ano ayaw mo na?"

"Ang cute mo." Asar ko sa kanya.

"Yan lang isasagot mo sa akin Senator ugh!"

"I love you. And yes Rain yes lets get married bukas na bukas din."

Hinalikan ni Rain ang mga labi ko. "I love you and kahit ano ang mangyari tayong dalawa at ako ang pipiliin mo."

"Of course Rain coz I love you too so much."

Yinakap ako ni Rain ng mahigpit. "Mahal kita at kayanin natin to tayong dalawa love."

"Yes love."

Tinawagan ko agad connections ko na makakatulong sa amin na makasal agad ni Rain dito sa London and yes natulungan naman ako at kinabukasan nakasal
agad kami ni Rain.

Wala na akong pakialam gusto namin na pagbalik namin sa pilipinas kasal na kami at wala na silang magagawa pa. I love her so much kaya hindi na ako papayag na may sisira pa sa amin at manggugulo sa relasyon namin lalo na ang pamilya ko.

---

Pagdating namin sa pinas dumeretso kami sa isang hotel hindi namin sinabi pa sa family namin na dumating kami. Tinawagan ko ang asst. at nagpatawag ako ng presscon kinabukasan na gaganapin sa ballroom ng hotel.

"Wala akong idea kung ano man sasabihin mo sa presscon love but sana maging okay and lahat and are you sure na ba sa gagawin mong ito?" Si Rain habang nakayakap sa batok ko at ako naman nakayap sa beywang niya.

"Yes love sure na ako para matapos na ang lahat ng ito."

"Im here lang nakasuporta palagi sayo ha dont forget that."

"I know Rain. I love you so much and thank you."

"I love you too mahal ko."

Senator Lindsay AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon