💞Chapter 6 Tibok ng Puso💞

179 15 0
                                    

Vince's POV:

PAGKATAPOS ng game namin sa basketball nanalo kami sa kalaban naming taga ibang barangay sa score na 102-100, two points lang ang lamang namin sa kanila hindi rin kasi basta-basta ang mga ito magagaling din sa larangan ng basketball.

Agad kong hinanap ang kapatid kong si Prince upang ayain na itong umuwi ngunit hindi ko ito makita, sa tingin ko'y baka nauna na iyon sa akin kaya umuwi nalang akong mag isa.

Ngunit habang naglalakad ako sa daan papunta sa bahay nakita ko ang kapatid kong umiiyak, tatakbo na sana ako upang patahanin ito ngunit naunahan ako ng isang hindi ko kilalang babae.

Mukhang mabait naman ang babae dahil pinatahan niya ang kapatid ko tsaka binigyan pa ng candy, kaya hinayaan ko nalang.

Hindi muna ako lumapit at pinagmasdan ko muna ang babae. Maganda, Matangkad, Maputi at sa tingin ko'y mayaman pero mukhang dayo dahil ngayon ko lang ito nakita dito sa lugar namin.

Napansin kong hindi parin tumahan ang kapatid ko kaya lumapit na ako at tinawag ito.

"Prince!" agad naman itong lumingon at nang makita ako agad rin itong tumakbo papunta sa akin.

Sinumbong niya sa'kin ang umaway sa kanya wala iba kung 'di ang bully na si Justine na kababata rin niya.

Ginulo ko ang kanyang buhok at pinatahan.

"Sa susunod ha, huwag kana lang makipag laro ulit sa kanya," bilin ko sa kanya. Ngunit nabigla ako sa tugon ng kapatid ko.

"Kuya pareho kayo ng sinabi ni ate," aniya at tinuro ang babaing nasa gilid namin.

Dahan-dahan kong nilingon ang babae, nag abot ang aming mga tingin at dahil dito nabigyan ako ng pagkakataon na matitigan siya.

Namangha ako sa taglay na kagandahan nito klarong klaro ko ang mukha niya at mas maganda ito sa malapitan, hindi ko alam at biglang lumakas ang tibok ng aking dibdib. Marahil ay humanga ako sa kanya.

"S-Salamat," bukod tanging naisambit ko.

Hindi ito sumagot at tila natameme kaya napatanong ako kung ayos lang ba siya. Hindi parin ito nagsalita ngunit ngumiti lang ito, at doon mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.

Hindi ko na alam ang gagawin dahil medyo na u-awkward na ako sa sitwasyon namin kaya inaya ko nalang ang kapatid kong unuwi.

"Tayo na Prince," aya ko sa kapatid ko at mabilis na kinarga.

"Salamat dito ate," pasasalamat ni Prince na ang tinutukoy ay ang bigay na candy sa kanya.

Habang papalayo kami sa babae biglang nag salita ang kapatid ko.

"Kuya ang ganda ni ate diba?" nabigla ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Anong pinag sasabi mo dyan!" pag suway ko sa kanya.

"totoo naman talaga tapos ang bait pa," nakangiti nitong puri.

Pero mas nabigla ako sa isa pa niyang sinabi.

"Kuya crush mo si ate noh?" aniya tumawa ng pagkalakas.

"Ano? hindi ahh," pagtangi ko at ginulo ulit ang kanyang buhok.

"Si kuya magsisinungaling pa, nakita ko kaya 'yong tingin mo sa kanya kanina, gayang gaya nong napanood ko sa TV," dagdag pa nito.

"Tumigil ka Prince ha, kung hindi bibitawan kita at para mahulog ka," banta ko sa kanya, agad naman itong tumahimik.

"Sa susunod kung may makita ka, huwang mo nalang intindihin o pansinin ha, lalong lalo na sa usaping Crush crush na 'yan, hindi pa tama sa idad mo ang mga ganyang bagay 6 years old ka pa lang," sabi ko sa kanya.

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon