💞Chapter 12 Di Mapakaling Isip💞

103 12 0
                                        

Third Person POV:

KUNG si Shieda ay nag dadalawang isip na humingi ng pasensya para kay Vince, gayon din ang binata,

kahit kaninang nag lalakad pa lamang ang mga ito sa gitna ng ulan gustong gusto ng maka hingi ng paumanhin ang binata sa dalaga pero pinangunahan parin ito ng pag alinlangan,

Baka kasi hindi tanggapin ng dalaga ang pag hingi ng sorry nito dahil medyo wala ito sa mood buhat ng mapagtaasan nya ito ng boses,

Habang papa uwi ang magkapatid na Vince at Prince, hindi maiwasan ni Vince ang mapaisip kung ano ang pwede nyang gawin upang maka bawi kay Shieda,

sa isip nito'y galit ang dalaga sa kanya kaya hindi sya nito kinibo kaninang nag paalam ito upang umuwi,

"kuya, kailan tayo babalik sa Batis?" tanong ni Prince sa kuya nito,

napalingon si Vince sa kanyang kapatid,

"Hindi ko pa alam bunso eh" anito

"sana makabalik tayo kuya no, habang nandito pa si ate Shieda para masaya" wika ng bata habang naka ngiti,

napaisip si Vince, hindi nya alam kung makakasama pa nila si Shieda dahil sa nangyari kanina,

nagbitaw nalang ito ng isang buntong hininga at patuloy sa paglalakad patungo sa kanilang bahay,

nang makarating ang mga ito ay agad naman silang sinalubong ng kanilang ina,

"mga anak, hali na kayo sa loob para maka pag banlaw na" tawag sa kanila nito,

agad namang pumasok ang magkapatid sa kanilang bahay,

"nay paki kuha naman nitong bag namin" sabi ng binata,

"kukunin ko nalang ang mga nasa loob nito ha, upang malabhan ko na ito bukas" saad ng ina nito,

"sige po nay salamat" anito,

Matapos makaligo ng dalawa, agad rin itong nag tungo sa kanilang sala at nanood ng palabas sa television,

"bunso nood tayo ng Basketball" sabi ni Vince sa kapatid,

"sige po kuya" tugon nito,

masayang nanood ng Basketball sa television ang dalawang mag kakapatid ngunit lingid sa kaalaman ng bunsong kapatid ni Vince ay may iniisip itong ibang bagay at yon ay kung papano maka bawi sa dalagang si Shieda.



Sa kabilang dako ganon din si Shieda, nag iisip kong ano ang pwede nitong gawin upang maka bawi rin kay Vince, nag isip sya ng paraan upang hindi magiging awkward ang pamamasyal nila sa park bukas ng gabi,

pinagmasdan nito ang mga kuhang litrato sa batis mula sa kanyang cellphone, habang nag e-scroll sya ay nakita nito ang litrato ni vince na nakapatong sa malaking bato,

napangiti ito dahil pasimpli nya itong ninakawan kanina ng litrato, ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti ng maisip ulit ang nangyari kanina, na baka galit sa kanya si Vince at kung hindi sila magkaka ayos ay baka mawalan na sya ng ganang manatili dito,

dahil sa totoo lang mas lalo nyang nagustuhang mamalagi dito dahil sa mag kakapatid na Vince at Prince,

"anak anong iniisip mo?" bungad ng nanay nito ng maabutan ito sa kinauupuan nya sa sala,

"ma iniisip ko kasi baka hindi rin ako mag tagal dito"sabi ng dalaga,

"ha bakit naman anak?" nagtatakang tugon ng kanyang ina,

hindi kumibo ang dalaga, at nakatuon lamang ang tingin nito sa kanyang cellphone habang tinitingnan ang mga kuhang litrato kanina sa batis,

"huwag kang mag alala, diba sabi ko sayo bukas ng gabi e papasyal ka ulit ni Vince sa Park, sigurado akong magugustuhan mo" sabi ng ina nito ng nakangiti.


My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon