Shieda's POV:
HINDI ko alam ang gagawin na a-awkward na ako dahil sa mga pinag sasabi ng mga kasamahan ko sa hapunan,
ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya gustong gusto ko ng tumayo at umalis upang makalayo sa kanila, ngunit papano ko gagawin yon e baka mahalata nilang naiilang ako kay Vince,
grabe naman kasi hindi panga kami pormal na nagkakilala sa isa't isa pero sa palagay nina mama ay close na kami ng lalaking ito,
inangat ko ang aking tingin at sinulyapan sya ngunit laking gulat ko ng mag abot ang aming tingin sa isa't isa, mas lalo akong na awkward at naramdaman ko ang init sa pisngi ko dahil sa pamumula kaya agad ko rin naman binawi ang aking tingin sa kanya,
ano yon naka smile ba sya? tanong ko sa isip gusto ng mga mata ko na ibalik ang tingin sa kanya ngunit pinigilan ko ito baka mag assume pa tong lalaking to no, hayss! ano ba relax nga lang Shieda para kang ano dyan! sabi ko sa isip,
"Alam mo kuya Vince, bagay kayo ni ate Shieda" nakangiting wika ni King,
"ugh! ugh! ugh!" bigla akong napaubo at nabulunan sa sinabi nito,
"oh anak ayos ka lang? o ito tubig" sabi ni mama habang inabot sa aking ang isang basong tubig,
"ayos lang po ma" aniko,
mas lalo akong nagulat at nabigla dahil sa sinabi ng lolo,
"oo nga wala namang problema don, dalaga ang apo ko binata itong si Vince parihong maganda at gwapo hehe"
hindi ko alam kung ano ang reaction ni Vince sa mga sinabi nila dahil ayaw kong tumingin sa kanya,
"Ayos lang din sa'kin, mabait naman itong si Vince" dagdag ni mama na mas lalong nagpagulat sa akin,
"maaaahh!" inis kong saway kay mama,
"oy! anak ha bakit, nag assume kabang liligawan ka nitong si vince hindi pa nga natin alam kung may nobya yan" malakas na pagkasabi ni mama at alam kong rinig ito ni vince,
sobra na akong nahiya at na a-awkward kaya kaagad ko naman itong binara,
"ma hindi ahh!" inis kong sabi,
"bakit ba Vince may nobya kana ba o kaya nililigawan?" napatingin ako sa nagsalita si lola,
Hindi parin ako tumingin sa lalaki at narinig ko itong sumagot,
"wala po hehe" anito,
Dahil sa tugon na iyon mas lalong namula ang pisngi ko
"o ayon naman po pala eh" sabay na wika ng lahat at nag tatawanan,
pareho kaming dalawa ni Vince na nabigla at nag titinginan na naman sa isat isa, pero ako na ang unang bumawi ng tingin,
"pareho pala kayong walang sabit sa isa't isa hahaha e de, pweding pwede" pang aasar ni lolo, nakayuko nalang ako sa sobrang hiya.
Natapos ang hapon at hindi ko naramdamang nabusog ba ako o wala dahil nasa pang tutukso nina mama ang konsentrasyon ko,
hindi ko alam bakit parang hindi ako galit bagkos parang nagustuhan ko pa,
natulala pa nga ako kanina ng may kumatok sa bahay at si Vince ang nakita ko sa pagbukas ng pinto, biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ako naka pag salita pareho kaming tulala at naka titig lang sa isa't isa,
hayss, ano ba tong nararamdaman ko hindi ko maiintindihan.
Napagkasunduan nila na babalik si Vince dito bukas upang ipasyal ako, wala na akong nagawa kung kaya't sumang ayon na lamang,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...