💞Chapter 10 Inis?💞

122 14 0
                                    

Vince's POV:

NATAWA na lamang ako sa mga reaksyon ni shieda sa tuwing tingnan ko ito, halatang naiilang ito siguro ay hindi sanay makipag usap sa mga lalaki,

Dahil sa sinabi sa akin kagabi ni aling Shenny na dalhin ko dito sa batis si Shieda naisipan ko kaagad kung anong pagkain ang pwede ko dalhin dahil hindi ko pa alam ang mga kinakain nito,

Kaya naitanong ko kay aling Shenny kong ano ang gustong kainin ng anak nito, nabanggit nga nito sa akin na paborito nya ang chocolate cokies at mabuti nalang marunong si inay mag bake nito,


nakatingin lamang ako sa kanya habang masayang kumain ng chocolate cokies,

Ang cute lang nya tingnan, napahanga ako sa sobrang ganda ni Shieda at alam ko noong unang pag kikita palang namin ay nagustuhan ko na ito,

mabait si Shieda, simpling babae lang makikita mo sa kanya ang pagka inosenti kahit na sa syudad ito namalagi,

habang nakatitig lang ako sa kanya bigla itong lumingon sa akin, saktong nagtama na naman ang aming mga mata nginitiian ko lang sya gaya ng ginawa ko sa tuwing magkasalubong ang mga tingin namin,

agad nya namang binawi ang kanyang tingin at ibinaling ito sa dalawang bata na kumakain, pero hindi naka takas sa akin ang makita ang pamumula ng dalawang pisngi nito,

Hindi ko napigilang napangiti sa nangyari, hmmmm, now I know your weakness hehehe,

"hoy! kuya ba't ka nakangiting mag isa dyan?" wika ni King,

bigla akong natauhan sa aking pag iisip,

"ahh w-wala may naalala lang ako" pagsisinungaling ko,

nakita kong tumingin sa akin si shieda na naka kunot ang noo tapos ay inirapan ako hahahaha,

nahalata siguro nitong dahil sa kanya at bakit ako naka ngiti, kaya iniba ko nalang ang usapan,

"O tapos na ba kayo? Tara at gusto ko ng maligo" aniko sabay tayo at hinubad ang damit pang itaas,

nakita ko pang sinulyapan ako ni Shieda ngunit saglit lang ito at binaling na nya ang tingin sa ibang bagay,

Hahaha may namumuong plano ang utak ko, balak ko syang asarin gamit ang hubad kong katawan sasadyain kong magpakita sa kanya ng walang damit pang itaas,

lumakad ako papunta sa tubig at sinadya ko talagang dumaan sa harap nito upang mas lalo nyang makita ang hubad kong pangitaas hahaha,

alam kong nakita nya ito dahil nasa harapan nya ako at nag ready na upang tatalon sa tubig at ilang saglit pa'y tumalon na ako sa malamig na tubig,

Dyos ko! ang lamig dapat hindi ko na hinubad ang damit ko hays! mukhang nagkamali ako ng moves, ngunit pilit kong ininda ang lamig sa tubig upang hindi nito mahalata na giniginaw na ako baka sabihin pa nitong buti nga sa akin,

"ate tara!"

rinig kong alok ni King kay Shieda,

"Oo saglit lang" aniya at tumayo,

nabigla ako sa ginawa ni shieda, sinimulan nitong hubarin ang kanyang damit, ayaw ko ito tingnan kaya binaling ko ang tingin ko sa ibang dereksyon at maya maya pa'y narinig ko ang tampisaw nito sa tubig,

dahan dahan kong binaling ang tingin sa kanya at nagulat ako sa aking nakita,

Si Shieda ay naka suot lamang ng 2piece swimsuit, hindi ako nagkakamali dahil kitang kita ko na umaninag ito mula sa ilalim ng tubig,

hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya, ng magtama ang aming mga mata sya naman ngayon ang nakangiti sa akin at ako naman ang hindi mapakali,

ramdam ko narin ang init ng pisngi ko at alam kong namumula na ito,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon