PAGDATING ng dalaga sa resort agad itong sinalubong ng mga staff inalalayan pababa ng kotse at kinuha ang dalang box na pinaglagyan ng Bridal Gown,
Nagtataka si Shieda kung bakit parang busy ang lahat sa kaka assist sa kanya,
"ma'am dito po tayo" aya ng isang staff,
sumunod si Shieda, nagpunta sila sa isang room,
"hey, Ms. Smith you're here" anang isang lalaking namukhaan nya,
"d-diba ikaw yong nagkuha ng sukat sa akin?" tanong nito,
"exactly ako nga pala si Marchie pasensya kana ngayon lang ako nakapag pakilala sayo, kaya hali kana at aayosan na kita" anito,
"ha? Kailangan paba yon, e bisita lang naman ako" reklamo nito,
"correction hindi ka ordinaryong bisita lang, remember investor nyo ang ikakasal" dagdag nito,
Napailing si Shieda,
Agad na inayosan ng lalaki si Shieda,
"ayy, ang perfect naman, sobrang ganda mo" puri nito pagkatapos ng ginawang pag aayos sa kanya,
Tiningnan ni Shieda ang sarili sa salamin, pati sya ay namangha sa kanyang hitsura,
"ang galing mo friend" anito ng nakangiti,
"syempre naman basta ikaw, ang mahal kaya ng talent fee ko kaya hindi kayo lugi hehe",
Ilang sandali may kumatok sa labas ng pinto,
"yes tuloy" tugon ni Marchie,
pumasok ang isang babae, bitbit ang isang boquet ng bulaklak,
"Andyan na po yong pari magsisimula na ang kasal" balita nito,
lumapit sya sa dalaga ng naka ngiti,
"paki bitbit naman nito" inabot ng babae ang dalang boquet,
"bakit may ganito pa, mukha tuloy ako yong ikakasal hehe",
Hindi na sumagot ang babae pagkatapos ay umalis na agad ito,
"kakaiba talaga ang motif ng kasal na ito, kailangan pang mag suot ng ganito ang lahat ng bisitang dadalo" anang dalaga,
"hays oo nga eh" pag sabat ni Marchie,
"halikana, magsisimula na ang kasal" dagdag nito,
Dahan-dahang tumayo si Shieda habang inalalayan sya ni Marchie palabas,
Pagkalabas ng room nanibago si Shieda kung bakit walang ka tao-tao sa loob at ang malaking pinto palabas ay nakasarado,
"bakit sarado?" nagtatakang wika ni Shieda, isang ngiti lang ang tinugon ni Marchie,
"sige na lumabas kana" anito,
"ha e ikaw?",
"may asikasohin pa ako sa loob" saad nito,
dahan dahang naglakad si Shieda papunta sa malaking pinto palabas,
Nang makalapit sa pinto Dahan-dahan itong bumukas at nang bumukas nakita nito ang sobrang ganda sa paligid, ang dagat ay namumula dahil sa mga petals ng pulang rosas na palutang lutang, at ang buong dalamapasigan ay puno ng candlelit lanterns,
hanggang sa napansin nito ang petals ng pulang rosas na gumawa ng daan papunta isang lugar kung saan tanaw nito ang mga taong naka upo sa wooden beaches na nilagyan ng mga palamuting napakaganda habang nakangiting nakatingin sa kanya,
kinabahan si Shieda pinagmasdan nya ang paligid nakita nyang siya lamang ang naka suot ng Bridal gown,
napatulo ang kanyang mga luha ng mapansin ang isang lalaking nakangiti nasa unahan suot ang puting toxido bitbit ang isang gitara at nakaharap sa micropono,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
عاطفيةNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...