MAKALIPAS ang ilang linggo, nagsimula na ang enrollment para sa college, si Vince ay nakapag desisyon ng mag enroll sa University sa bayan, nag aarkila nalang ito ng apartment doon upang uwian masyado kasing malayo pag sa bahay pa nila sya uuwi,
Habang si Shieda ay buo na ang desisyon na dito narin mag aral sa probinsya kaya naman pinabili na nito sa kanyang daddy ang condong napila kung saan isang sakayan lang papunta sa kanyang eenrolan na University,
Isa lang ang gusto ng dalaga, ang makasama sa eskwelahan si Vince kahit pa ang akala nito'y may ibang gusto at iniibig ang binata ay gusto nya paring mapalapit dito, hindi nya alam ngunit nahulug na ang puso nito para sa binata,
habang si Vince naman ay ganon nalang rin ang saya ng mabalitaang doon rin sa napiling University si Shieda papasok at bukas napagkasunduan nilang mag enroll na kasama sina Roxanne ate Harold,
"handa naba lahat ng papers mo?" nakangiting wika ni Vince ng makita ang dalaga,
"oo Completo na to, tara" aya ng dalaga sa binata,
"pero saglit, saan na sina Roxanne at Harold?" dagdag pa nito,
"nasa sakayan na hinihintay na tayo" tugon ng binata,
agad naglakad ang dalawa papunta sa sakayan ng tricycle, sasakay pa sila ng tricycle ng sampung minuto palabas ng baryo at doon naman mag abang ng bus papuntang bayan tapos sasakay sila ng jeep papuntang University,
"Mabuti at dumating na kayo" bungad ni Harold ng makarating ang dalawa,
"Pasesnya ba kayo natagalan kami" tugon ni Shieda,
"Ayos lang, kakarating rin lang naman namin, tara" sabi ni Roxanne,
agad namang sumakay ang lahat sa tricycle at pagkatapos ay pinatakbo na ito ng driver,
makalipas ang sampung minuto nakalabas na sila ng Bario at doon naman nag abang ng Bus,
mga ilang minuto rin ang lumipas bago sila nakasakay, at ilang minuto rin ang dumaan narating na nila ang University sa papasokan,
"Wow ang laki!" bulalas ni Roxanne habang nakatayo at pinagmasdan ang buong School,
"ilang floor ba to? Ang taas ahh!" napa manghang wika ni Harold,
"tara pasok na tayo" aya ni Vince,
sa pagpasok ng magkakaibigan sa loob ng School nakita nila marami rami narin ang taong nandito mga old students at mga bago na nag papa enroll din,
kumuha muna sila ng Form kung saan nandon ang instructions and steps kung papano ang processing ng enrollment,
parehong Business Course ang kinuha ng dalawang babae, habang kay Vince at Harold naman ay Fine Arts dahil parihong mahilig sa pag pipinta,
Nagsimula na silang pumila kasama ang ibang studyante at dahil medyo maaga silang dumating hindi na ganon ka taas ang napilahan nila,
eksakto alas dose y medya silang lahat natapos at lahat silay parihong napagod,
"Dyos ko! Sumakit ang leeg ko!" reklamo ni Roxanna habang nakahawak ang isang kamay sa leeg nito at dahan dahang inikot ang ulo,
"kain nalang muna tayo, nagutom na ako" aya ni Harold sa lahat,
lumabas silang lahat sa Campus at naghanap ng pweding kainan, tamang tama at may isang fast food chain sa harap ng School,
Kanya kanya sila ng order at umupo sa isang bakanting table na tamang tama sa kanilang apat,
habang kumakain, napansin ni Shieda ang isang babae na panay ang titig kay Vince, medyo nainis sya dahil sa sobrang lagkit ng tingin nito sa binata,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...