KINABUKASAN pasado alas Dyes na ng umaga nagising ang dalaga, pagkagising nito'y agad na naalala nito ang mga nangyari kaninang madaling araw,
parang walang mukhang maiharap si Shieda kay Vince dahil sa hiya, alam nyang lasing si Vince pero hindi naniniwala si Shieda na walang naalala ang taong lasing, nadala lamang sya sa bugso ng kanyang damdamin kaya ito nagpadala sa ginawa ni Vince,
tumayo si Shieda sa kama at nagtungo sa banyo, tiningnan nya ang sarili sa salamin, "ang tanga mo! nagpapakatanga ka nanaman!" may inis na wika sa sarili.
Nakaligo na si Shieda bago lumabas ng banyo, nagbihis ito at lumabas sa room nya.
Naisipan nitong magtungo sa dagat nadatnan nya doon ang lahat na masayang naliligo,
pumwesto sya sa isang bakanting lamesa ng may lumapit sa kanya na isang staff,
"ma'am foods?" alok nito,
"no, just give me a glass of water" tugon nito,
agad na kumuha ng tubig ang staff at binigay kay Shieda,
"Ma'am just inform us if you are hungry" nakangiting bilin nito, tumango lang ang dalaga,
palinga linga ang mga mata ni Shieda habang pinapanood ang mga naliligo sa dagat, ang saya tingnan dahil parang bumalik sa pagkabata ang mga ito, habulan, tawanan at asaran,
napangiti lamang si Shieda,
"Ang saya nila nu?" bulalas ng isang boses mula sa kanyang likod, hindi nagpahalatang nagulat si Shieda ngunit bahagyang itong napalunok alam nyang si Vince ito dahil kabisado nya ang boses ng lalaki,
Gusto mang umalis ng dalaga pero hindi nya ginawa dahil baka akalain ni Vince na iniwasan sya nito,
hindi nalang kumibo ang dalaga ni lumingon ay hindi nito ginawa nanatili lamang itong nakatingin sa mga naliligo sa dagat, ngunit may sinabi si Vince na medyo hindi ka aya aya sa pandinig ng dalaga,
"Do you still love me?" mahinang tanong ni Vince, habang nakatayo mula sa likod ni Shieda,
medyo nainis si Shieda sa narinig,
"Leave me alone!" tanging tugon nito habang pigil sa sarili na bulyawan si Vince,
Hindi naman nangulit pa si Vince agad rin itong umalis ngunit may inilapag ito sa mesa sa harap ni Shieda,
Pulang rosas ang nakita ng dalaga sa ibabaw ng mesa na nilapag ni Vince, ramdam ni Shieda ang mga yapak ni Vince na papalayo sa kanya, agad na namang bumigay ang kanyang puso, alam na alam talaga ni Vince ang kahinaan ng dalaga,
Tinitigan lamang ng dalaga ang mga rosas, gusto man nitong kunin, hawakan at amoyin ngunit nagmatigas ito dahil ayaw nyang maalala ang amoy na nilagay ni Vince sa mga rosas,
tumayo sya at bumalik sa loob iniwan nito ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa, dumeretso sya sa loob ng kanyang silid humiga sa kama at nag isip,
"What am I going to do?" anito sa sarili,
Masyadong naguguluhan si Shieda, alam nyang hindi tatagal ay bibigay rin sya kay Vince, at yun ang ayaw nyang mangyari, sa isip nito'y ayaw nyang magiging isang Kabit, ngunit wala syang dahilan upang sisantihin ito sa trabaho para mawala si Vince sa kanyang paningin,
nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga ang dalaga, ayaw nyang siya nanaman ang mag adjust ayaw nyang siya nanaman ang lalayo tama na ang ginawa nyang pag paparaya nuong una.
Napagod ang kanyang utak sa kakaisip dahilan kung bakit nakatulog ito.
Samantalang si Vince ay parang nasiyahan sa nalaman, kaninang madiling araw napagtanto nitong may puwang pa ang binata sa puso ng dalaga ng tugunan ni Shieda ang mga halik nito at nung sinabi ng dalagang mahal parin sya nito,
![](https://img.wattpad.com/cover/195491678-288-k648718.jpg)
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomansaNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...