💞Chapter 30 Tagaytay💞

78 11 0
                                    

"ARE you all guys ready?" tawang ni Donya Eva sa lahat habang pababa ito sa hagdan galing sa kanyang silid,

"Yes mom" si David ang sumagot habang tiningnan ang ina na pababa,

ngumiti lang ang matanda,

"thats good, so what are we waiting for? lets go then" sabi nito,

agad na kumilos ang lahat papunta sa sasakyan na gagamitin nila,

dalawang sasakyan ang dinala nila isang Van at isang Mercedes-Benz S-Class, nakasakay sa Van sina Vince at Shieda kasama ang mga katulong at mga gamit nila habang ang nakasakay sa isang sasakyan ay ang mag asawa at si Donya Eva,

pag dating sa resort agad na sinalubong sila ng mga staff alam na ng mga ito na darating sila dahil tumawag na kagabi pa si David kaya naman naka handa na ang mga rooms na gagamitin nila, binitbit narin ng mga kasamang katulong ang kanilang mga bagahe ngunit si Vince ay mismong nag dala para sa kanyang bagahe, kahit na pinilit sya ng mga katulong nahihiya ang binata dahil hindi sanay na pag silbihan ito,

"Good morning Ma'am/Sir this way po" sabi ng isang staff na nag assist sa kanila

"where's Alfred?" tanong ni Donya Eva sa staff habang sumunod ang mga ito sa kanya,

"I'm sorry ma'am but he's currently having a meeting at this moment, pero binilin po nya kayo sa akin" nakangiting tugon ng staff,

tumango lang ang matanda, si Alfred ang manager ng resort na ito isa sa mga pinag kakatiwalaan ng pamilya Smith,

hinatid ng staff sa kani kanilang room ang mga ito bago bumalik sa trabaho,

"anything you need sir you can call us anytime" bilin nito sa mag asawang huli nitong hinatid sa kanilang room,

"Thank you!" saad ni David.


Ala sais ng gabi nag tungo na ang mga ito sa isang high class cusine at tanging mga VIP lamang ang may access, pagdating nila sa loob ay naka handa na ang hapunan, klase klasing pagkain ang nakahanda sa mesa mga pagkain na sa magazine lamang nakikita ni Vince,

naka upo ang mga ito sa isang round table na gawa sa glass, nilibot ni Vince ang paningin sa buong paligid namangha ito sa nakitang sobrang sosyal na dinning area,

pagkatapos maghaponan nag sipag balikan ang mga ito sa kanilang bawat silid kung saan sila tumuloy dahil binilin sa kanilang lahat ng donya na mag pahinga na.

Kinabukasan pagkatapos mag breakfast halos hindi man lang nabawasan ang mga pagkain na nasa kanilang harapan napatanong tuloy si Vince sa isip, "ganito ba kumain ang mga mayayaman?".


Ang resort na ito ay may dalawang area, pweding sa pool pwede ring sa dagat, pumili ka lang kung saan mo trip ang maligo

matapos makapag palit ng swiming attire pinuntahan ni Shieda si Vince sa kanyang silid, kinatok nito ang pinto at tinawag ang kasintahan,

"Mahal, tayo na—" hindi pa tapos magsalita si Shieda agad na bumukas ang pinto sa room ni Vince at bumungad kay Shieda ang makinis na katawan ni Vince na minsan na nyang nakita noong nasa batis sila,

tinitigan ni Shieda ang kasintahan na nakasuot ng trunks at sun glasses,

"enjoying the view?" pang aasar na wika ni Vince sabay kindat sa katipan

"anong nakaka enjoy dyan?" ani ni Shieda at inismiran ang kasintahan,

Natawa nalang si Vince sa reaksyon ng dalaga

"tayo na" dagdag ng dalaga at sabay talikod sa binata,

agad na pinigilan ni Vince ang kasintahan kinuha nya ang isang kamay nito upang huminto at kaagad na niyakap mula sa likod,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon