💞Chapter 43 Memories II💞

94 6 0
                                    

PAGKATAPOS magbihis ni Shieda lumabas ito ng silid at nag tungo kung saan ang mga empleyado nito nasa baybaying dagat ang lahat kung saan naroon ang setup ng maraming table, ang buong resort ang pinasarado ni Shieda sa dalawang araw dahil sa Christmas Party na ito,

may inatasan itong mag o-organized ng Party kaya naman pag dating nila kanina ay handa na ang lahat, kakatapos lang mag dinner ng lahat, naka upo ang lahat sa bawat mesang naroon, habang nasa kalagitnaan ang isang malaking bonefire na nagbibigay liwanag sa paligid bukod sa sinag mula buwan,

Nagbibigay ang iba ng kanilang mga intermission number kagaya ng pagkanta at pagsayaw,

Nasa isang sulok si Shieda habang aliw na aliw na pinapanood ang mga ito, inikot ng dalaga ang kanyang paningin na para bang may hinahanap, hanggang sa nakita nito si Vince na mag isa sa isang table,

kahit nasa malayo ay kitang kita ni Shieda ang maamong mukha ng binata, ilang minuto nya itong tinitigan hanggang sa maalala na naman nito ang mga nakaraang nasayang sa pagitan nilang dalawa,

sa ginawa nyang pag titig ay hindi nito inasahang may lalabas na mga luha sa kanyang mata, ngayon ay napagtanto ni Shiedang hindi pa pala sya naka usad para sa binata,

Buong akala nya nung dumating si Julian sa buhay nya ay tuluyan nya ng makalimutan si Vince ngunit nagkamali sya ng makita nya ulit ito, bumalik ang lahat ng pagmamahal nya para sa binata ngunit kailangan nyang pigilan dahil ang alam nya ay may asawa na si Vince,

pinahid nya ang kanyang luha ng marinig mula sa MC na tinawag nito si Vince upang mag bigay ng intermission number, binalik nya ang tingin sa binata na tumayo at naglakad sa harapan,

"lets give around of applause to Mr. Unique Vince Torres" pakilala ng MC, nag palakpakan ang lahat habang si Vince ay kinuha ang microphone mula sa MC,

"Thank you So much sa lahat" anito ng nakangiti,

"Kakanta ako, at ang kantang ito ay para isang taong pinakamamahal ko mula noon hanggang ngayon" dagdag nito,

medyo kinabahan si Shieda sa narinig, sino ba ang ibig niyang sabihin?

"I admit I made a mistake, nagkasala ako sa isang taong pinaka mamahal ko, pero pinagsisihan ko kung bakit naduwag ako, kung bakit naging mahina ako sa panahon na 'yon" may kahulugang wika ng binata

mas lalong napaisip si Shieda sa mga sinasabi ni Vince,

"and I hope, mapapatawad nya pa ako kahit huli na" huling sabi ng binata,

na komperma ni Shieda na siya ang tinutukoy ni Vince,

kapatawaran ang hiningi nito ngunit huli na dahil labis niyang nasaktan ang puso si Shieda,

Naka kunot ang nuo ng dalaga habang nakatingin sa ginawa ni Vince,

Inabot sa kanya ang isang gitara, kinuha nya ito at umupo sa upuang nasa harap, nagsimulang pihitin ng binata ang gitara dahilan kung bakit natahimik ang lahat lalong lalo na nung sinimulan nya ng bigkasin ang mga lyrics ng kanta, walang kupas kundi mas lalong gumanda ang boses nito sa pandinig ni Shieda,

🎼Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you🎼

🎼Shall I stay? Would it be a sin?

If I can't help falling in love with you🎼

Dahil sa kantang ito nanumbalik sa kanyang ala-ala ang lahat nung sila pa ni Vince, lahat ng mga masasayang alala nila'y nanariwa ulit sa kanyang ala-ala, na kahit anong pigil ni Shieda sa sarili ay talagang kusang bumigay ang kanyang puso na kumonikta sa kanyang mata na syang dahilan at napaluha na naman ito,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon