Shieda's POV:
RINIG kong inutusan ni Vince ang mga bata na magbihis na dahil kailangan na naming umuwi pagkat paparating na ang ulan,
ramdam ko ang inis nito sa mukha dahil sa ginawa ko, hahaha akala mo ha maisahan mo ako? Huh! never!
Hindi ko alam bakit parang naiilang ako na nakita ni Vince ang katawan ko na tanging 2piece swimsuit lang ang suot gayong sanay naman akong suutin ito sa maraming tao gaya dati nung nag Beach kami nila mama,
buti nalang talaga sinuot ko ito mula sa bahay kanina,
kahit pa medyo naiilang ako tinuloy ko parin, wala naman talaga akong balak hubarin ang mga damit ko kanina kung hindi nya lang ako inunahan,
akala siguro nito'y mainis ako sa ginawa nyang paghubad ng pang itaas kanina na sinadyang ipakita pa talaga nito sa akin,
well nakita ko nga rin naman ang katawan nito, medyo patpatin walang abs pero makinis at maputi mahalata mo talagang malinis ito sa katawan,
ngayon ay nasa akin nanaman ang halakhak hahahaha!
balak ko pa itong inisin kaya may naisip akong gawin hahahaha,
natawa nalang ako sa aking naiisip.
Habang ang mga ito'y abala sa pag liligpit ng mga gamit nila ako nama'y lumapit sa mga ito,
"tara na!" aniko habang nakangiti,
nakita kong mas lalong naiinis si Vince hahaha hayon tagumpay! nakita ko sa kanyang mukha ang kunot sa noo nito at ang pag abot ng dalawa nitong kilay,
"anong ginagawa mo!" may pagkatigas sa boses na tanong nito,
heto na, nagsimula na ang plano kong pang aasar sa kanya hahaha,
"sabi mo na mag ligpit na diba para maka uwi na tayo, kaya eto ready na ako" tugon ko dito,
para akong si dora na dala ang backpack nito na nasa aking likod, ang pagkakaiba lang ay, wala akong bangs tsaka suot ko lang ang isang malaking T Shirt na hanggang legs ang sukat, ito yong plano ko kanina hindi ako nag bihis hahaha,
Tumayo ito at dala parin ang inis at kunot ng noo nito sa mukha at humarap sa akin,
"hindi tayo aalis hanggat hindi ka mag bihis ng maayos!" inis na wika nito,
"mag bihis ka!" mautoridad nitong utos,
Napangiti ako sa isip sa tinuran nito kaya mas lalo ko pang nagustuhang inisin ito,
"hindi na ayos na to" giit ko at labis na ang ngiti sa isip,
hays ang sarap nitong inisin hahaha,
"hindi nga pwede!" giit niya na may diin ang boses,
"ayos nga lang eh!" may diin ko ring tugon,
"hindi nga pwede baka may makakita sayo na ganyan ang ayos mo, hindi kaba nahihiya? Anito ng medyo tumaas ang boses,
hala mukhang galit na ata patay,
hindi ako tumugon ngunit hindi parin ako nag bihis, nakita ko itong umupo sa damuhan instead na aalis,
hays tinotoo talaga nitong hindi kami aalis kung hindi ako maka pagbihis, mukhang mapa oo ako nito ahh tsk tsk,
"kuya, ate nag aaway ba kayo?" tanong ni King,
hindi tumugon si Vince at yumuko lang ito, kaya ako na ang sumagot,
"ahh hindi" tanging tugon ko ng naka ngiti,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...