💞Chapter 33 Set You Free💞

113 10 3
                                    

KAHIT hapon na'y nag impaki parin ang dalaga upang umuwi ng maynila dahil ayaw nyang magpabukas sa lugar na ito gusto nya ng bumalik sa maynila upang simulang kalimutan si Vince,

"Apo, hapon na ipagpabukas mo nalang ang pag uwi mo" pagpigil sa kanya ni aling Corazon,

"lola, kaylangan kong umuwi ngayon pasensya na po kayo" tugon ng dalaga,

napabuntong hininga ang matanda at umupo sa tabi ng apo habang patuloy na nag iimpaki,

"sigurado kasi akong gabihin ka sa daan at alam kong hindi ka sanay mag byahing mag isa" may pag alalang dagdag ng matanda,

"kakayanin ko po lola" tanging tugon nito,

walang nagawa ang matanda dahil pursigido ng umalis ang dalaga, naawa ito sa sitwasyon ni Shieda ramdam nito ang sakit sa loob kaya naman hinawakan nito ang dalaga sa balikat upang amuhin,

"apo alam kong nasaktan ka, alam kong galit ka, pero tandaan mo andito lang kami upang damayan ka" pag amo ng matanda,

parang may kakaibang nararamdaman ang dalaga dahil sa sinabi ng lola nito, biglang bumigay ang kanyang puso ng malamang may karamay ito sa kalungkutang nararamdaman ngayon, agad itong humarap sa matanda at niyakap hanggang sa hindi na nito napigilang mapaluha na naman,

"salamat lola, at kahit papano'y nabawasan ang sakit at sama ng loob ko" anang dalaga,

"apo, alam kong wala akong karapatang manghimasok sa problema ninyong dalawa ni Vince, pero ano na ang balak mo ngayon?" tanong ng matanda,

humiwalay ang dalaga sa pagkayakap sa matanda at pinahid ang mga luha,

"sa ngayon la gusto ko na munang mag palamig, babalik akong maynila upang hindi na kami magkita pa ni Vince" pahayag nito

"pero papano yan, isang eskwelahan lang ang pinapasokan ninyo" sabi ng matanda,

"mag transfer napo ako la, isa pa balak rin nyang mag transfer balita ko, ah. Basta la bahala na sya sa buhay nya at ayaw kona syang pag usapan pa!" pag putol ng dalaga sa usapan,

tumayo ito bitbit ang bag hudyat na aalis na, tumayo narin ang matanda,

"Lola, aalis na ako mag iingat ho kayong lahat at Lola kayo na po'ng bahalang mag sabi kina lolo at King sa biglaang desisyon ko" anang dalaga,

tumango tango ang matanda habang pinigilang mapaluha, alam nyang sa nangyaring ito hindi nya alam kung kaylan ulit makikita ang apo,

nakita ni Shieda ng lungkot sa mukha ng matanda kaya nilapitan nya ito at niyakap,

"huwag na po kayong malungkot lola" aniya

"hindi ko kasi alam kung kaylan ulit kita makikita apo" sabi ng matanda at tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala,

sa sinabing iyon ng matanda ay biglang natahimik si Shieda at nag isip,

"pasensya kana la, hindi ko pa alam kung kaylan ako makakabalik pero hayaan nyo po gagawa ako ng paraan para makita ulit kayo, tandaan nyo lola mahal na mahal ko kayo".

Kumawala si Shieda sa pagkayakap sa matanda at tuluyan ng nagpaalam dito.

Nagpunta si Shieda sa sakayan ng mga tricycle at nag papahatid sa terminal ng Bus pa maynila,

bago sumakay sa Bus nilingon muna nito ang lugar kung saan naramdaman nya ang unang pagibig na sya ring lugar ng unang kabiguan,

napaluha na naman si Shieda ngunit pilit nya itong pinigilan,

huminga muna ito ng malalim bago tuluyang umakyat sa loob ng bus,

naghanap sya ng pweding maupuan hanggang sa nakakita ito ng bakanti sa may dulo, umupo sya doon habang naka dungaw sa bintana, pilit na bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari ngunit pilit nya rin itong iwinaksi sa isip dahil ayaw nya itong maalala, inaliw nalang nito ang sarili sa mga lugar na nadaanan,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon