💞Chapter 37 Revenge I💞

133 8 0
                                    

AFTER 12 YEARS

———————

PINATAWAG ng kanilang CEO si Vince dahil sa mahalagang sasabihin nito sa kanya,

"Pasok" tugon nito ng katukin ni Vince ang pinto ng kanyang Opisina, binuksan nya ang sliding door ng office at pumasok,

"Good morning Sir! pinatawag nyo raw ako" anang binata,

"please sit, Mr. Torres" sabi ng kanyang Boss, umupo si Vince sa bakanting upuan na nasa harap ng working table ng CEO,

tinigil ng matandang boss ang ginawa at hinarap si Vince at nag simulang magsalita,

"as my Executive Assistant alam mong isa ka sa pinagkakatiwalaan ko dito sa companya, and I know kung gaano ka kahusay magtrabaho"

Bumuntong hininga ang matanda,

"hindi na ako magpaligoy ligoy pa Vince, I'm old at gusto na ng pamilya ko na magretire na ako"

nabigla si Vince sa narinig, nasasayangan ito sa kabaitan ng boss,

"nag paalam na ako sa board at pumayag na sila in fact may papalit na sa akin" dagdag nito,

Mas lalong nabigla si Vince dahil sa bilis ng decision ng boss

"sir, bakit agad-agad naman ata?" nagtatakang tanong ng binata,

"kailangan ko ng umalis, gusto akong isama ng anak ko sa Canada" tugon ng boss

nakinig lang si Vince sa mga sinasabi ng matanda,

"ang bagong CEO ng companya ay sya narin ngayon ang bagong nag mamay ari ng pinaka malaking share ng Companya at bukas makilala mo na sya"

mas lalong nabigla si Vince, "akala ko ho, kayo ang may pinaka malaking share ng Companyang ito",

napangiti ang matanda "ibininta ko ang kalahati ng Share ko, sa ngayon 20% nalang ang meron ako sa Companyang ito"

"ngayon Vince ang gusto kong gawin mo ay, sana kahit hindi na ako ang boss mo, gawin mo paring mabuti ang trabaho mo bilang isang Executive Assistant, aasahan ko na e assit mo ang bago mong boss pag dating nya" bilin ng matanda,

"makakasasa kayo sir" tugon ng binata.

Lumabas si Vince sa opisina ng boss na may tamlay sa mukha habang bumalik sa kanyang working table, napaisip ito kung sino ang bagong mag papatakbo ng Companyang pinag tatrabahuan nya.

Pagkatapos sa trabaho pagod na umuwi ang binata sa kanila, may issued syang sasakyang gagamitin sa bawat transport nya kaya hindi ito nahihirapang umuwi sa kanila,

"anak, magbihis kana at para makapag hapunan na" sabi ng ina nito ng salubungin ang kakarating na anak,

nagmano ito sa ina "salamat ma"

dumeretso ito sa sala ng bahay kung saan naroon ang ama nitong na stroke dahil sa sakit na Highblood, mula noong hindi na nakapagtrabaho ang ama nito siya na ang sumalo sa responsibilidad nito,

"mano ho tay" anito at kinuha ang kamay ng ama, tiningnan lang sya nito at walang nakuhang sagot dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakapag salita ang ama,

pumasok ang binata sa kanyang silid at nagbihis pagkatapos ay nagtungo sa kusina upang saluhan ang ina at kapatid na kumain,

Pagdating nito sa kusina agad na umupo sa bakanting upuan,

"tapos naba kumain si papa ma?" tanong nito,

"oo pina una ko na" tugon nito,

tumango lang ito at binaling ang tingin sa kapatid

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon