HALOS mag dadalawang buwan ng hindi nakikita ni Shieda si Vince mula nong tagpong binigyan sya ng bulaklak nito gamit ang batang si Sammantha, nong una ay hinayaan nalang muna nito ang binata ngunit ngayon ay parang nag iba na, hindi nya na ma intindihan at parang iniiwasan sya nito, kagaya nong, inabangan nya ang binata sa labas ng kanilang department building at ng makita sya nito halatang umiwas sa kanya ang lalaki kahit hindi nito sinabi pero halatang halata ito ng dalaga dahil nag iba kaagad ito ng daan ng makita sya,
nag lalakad si Shieda sa pathway ng School ng makita nito ang kaibigang si Harold,
"Rold?" tawag nito sa binata,
lumingon si Harold kay Shieda,
"Shied, kamusta?" tugon ng binata,
lumapit sya sa kaibigan,
"may problema ba si Vince?" nag alalang tanong nito, ngunit parang walang alam ang lalaki,
"ha? bakit? diba kayo yung magkasintahan?"
"yun na nga eh, hindi pa kami naka pag usap kaya hindi ko alam, at tsaka parang iniiwasan nya ako" may lungkot na sabi ng dalaga,
"huh? Bakit nya naman gagawin yun?"
"'yun ang hindi ko talaga alam"
"sige hayaan mo, kausapin ko pag magkita kami" pangako ni Harold,
ngumiti ang dalaga at nagpapasalamat sa kaibigan.
Dumaan na naman ang isang linggo, araw ng lunis, hindi pumasok si Shieda sa kanyang klase hindi rin nito nakita si Roxanne upang ipaalam na aabsent sya ngunit ilang linggo naring absent ito sa klase na syang nakapagtataka,
nag aabang na naman ulit ito sa building nila ni Vince, at nang makakita ito ng isang kaklase ng kasintahan agad na nag tanong ito,
"ahh- excuse me" tawag nito sa isang lalaking naka salamin, lumingon ito sa kanya,
"ah, mag tatanong lang sana hehe"
"ano po yun?",
"diba magka klase kayo ni Vince?"
tumango ang lalaki,
"pumasok ba sya?" dugtung nito,
umiling ang lalaki,
"hindi eh, mga two weeks na may exam pa naman kami" tugon ng lalaki,
nabigla si Shieda sa binalita ng lalaki,
"ha? Bakit sya nag absent ng ganyan ka haba?" nag tatakang tanong ng dalaga,
"yun ang hindi namin alam, pati mga professor namin hinahanap na sya baka kasi ma bagsak sya sa klase" tugon ng lalaki,
tumango lang ang dalaga na nagtataka parin,
"sige pag nakita mo sya paki sabi na may exam kami sa friday" sabi ng lalaking kaharap,
"sige, maraming salamat" wika ng dalaga, hindi pa naka alis si Shieda ay may isang lalaking lumapit sa kanya,
"si paring Vince ba kamo ang hinahanap mo miss?" anang lalaki,
tumango si Shieda habang tiningnan ang nagsalita,
"andito sya kahapon nag request ng kanyang credentials para mag transfer" balita ng lalaki,
namilog ang mga mata ni Shieda sa narinig at hindi ito makapaniwala,
"ho? Mag transfer bakit daw?" nagtatakang tanong ng dalaga,
nagkibit balikat ang lalaki,
"hindi ko alam, yan lang kasi ang sabi nya sa akin kahapon, ah sige ha may klase pa kasi ako" sabi ng lalaki,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...