💞Chapter 1 Ang Pagdating💞

595 32 10
                                    

A/N: Ang kwentong ito ay hindi pa dumaan sa Proofreading kaya paniguradong may makikita kayong mga typos and ungrammatical sentences.

Shieda's POV:

"ANAK bumangon ka na at para makaligo dahil baka malapit ng lalapag ang eroplanong sinasakyan ng lola mo," wika ni mama habang nag-aayos ng mga damit ko sa aking closet.

"Opo ma," saad ko kasabay ang paghikab, inunat ko ang aking mga kamay at pagkatapos ay kinusot ang mga mata.

"Ma kayo po, ba't hindi pa kayo bihis?" tanong ko sa kanya nang makitang naka pambahay pa rin ito.

Bahagyang lumingon si Mama sa gawi ko habang patuloy na inaayos ang aking mga damit.

"Hindi ako sasama sa pag sundo sa Lola mo anak, alam mo naman 'yon," may kahulugang tugon ni Mama kasabay ang pagkibit sa balikat at muling binalik ang atensyon sa ginagawa. Napailing na lang ako.

Hindi magkakasundo sina Mama at Lola dahil noon paman hindi gusto ng Lola ang Mama para kay Daddy, ngunit sobrang nagmamahalan ang mga magulang ko. Ipinaglaban ng Daddy ang pagmamahal niya para kay Mama. Wala ng nagawa ang lola kaya hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo nito kay Mama.

Tumayo ako at humakbang papunta kay Mama.

"Ma... hindi na ba talaga kayo magkakasundo ng Lola?" tanong ko habang niyayakap ito mula sa kanyang likod.

Tinigil ni Mama ang kanyang ginagawa at hinarap ako.

"Anak... sa akin walang problema pero kaso 'yang lola mo ang problema. Hindi ko naman nilihim sayo ang totoo na walang gusto ang Lola mo sa akin para sa Daddy mo 'diba?" mahaba habang tugon ni Mama habang hinawakan ako sa aking balikat.

Wala na akong nagawa kung kaya't niyakap ko nalamang muli siya ng pagka higpit.

"O sige na maligo kana at kanina kapa hinihintay ng Daddy mo sa baba. Naku! baka mabagot 'yon kaya daliaan mo na," utos ni Mama at bahagya akong tinulak papunta sa banyo.

Mabilis ang naging kilos ko at agad na pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Pagkatapos ay lumabas ako at nadatnan ko pa si Mama na katatapos lang sa pag arrange ng mga damit ko sa closet.

"Hinanda ko na ang susuotin mo bilisan mo na ang pag bihis," sabi ni Mama at tinuro ang damit ko na nasa ibabaw ng aking kama.

"Salamat ma," nakangiti kong tugon. Tumango lang si Mama.

"Sige na at ako'y bababa na," paalam niya. Tumango lang ako bilang pag tugon.

Mabilis akong nag-ayos sa sarili. Isinuot ko ang hinanda ni Mama na kulay pale pink na dress, may kasama itong laso kaya tinali ko ito sa aking size 27 waistline, nag blower ako sa aking buhok hanggang matuyo ito, pagkatapos tinali ko ito like ponytail style, naglagay din ako ng kaunting powder sa mukha at lip gloss sa labi wala eh hindi ako marunong mag make up.

Pagkatapos kinuha ko ang aking puting flat shoes at sinuot. Pagkatapos ng ginawa kong pag ayos humarap ako sa malaking salamin na nasa aking closet. Napangiti ako habang tiningnan ang sarili sinuri ko ang bawat anggolo ng aking katawan kasama ang pag papa cute hindi ko alam at natawa ako sa aking ginawa.

"Anak..."

Natigilan naman ako ng marinig ang tawag ni Mama mula sa labas ng aking silid, naalala ko naghihintay na pala sa'kin si Daddy.

"Palabas na ma..." Tugon ko at mabilis na hinablot ang aking slingbag na nakapatung sa ibabaw ng aking kama.

Mabilis akong humakbang palabas ng pinto, sa aking pag bukas bumungad ang mukha ni Mama sa harapan ko. Nagbitaw naman ako ng isang ngiti.

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon