DUMAAN ang isang linggo, buo na ang desisyon ni Shiedang mag paka layo layo sa Pilipinas, labis ang tuwa ng kanyang lola na sa wakas makasama na nito ang apo sa France, ito ang pinaka mahabang bakasyon ng kanyang Lola dito sa Pilipinas, palagi itong sumama sa Daddy niya sa lahat ng Business transactions nila nakapagtataka at biglang nagkaron ng interes ang Donya sa negosyo nila gayong dati ay hinayaan nya lamang ang anak na mamahala nito.
Agarang inasikaso nito ang lahat ng papers ng dalaga mula sa school sa gagawing pag lipat ng paaralan sa ibang bansa,
"Honey, we all set be ready to our flight by next day" nakangiting balita sa kanya ng kanyang lola, nagpapasalamat ang Dalaga sa ginawa ng matanda Sya mismo ang nanguna sa pag process ng lahat,
"You're making the right decision dear" anito at pinisil ng kaunti ang pisngi ng apo,
"Don't worry I will introduce you to all of my friends when we arrive and I know you can find new friends when we are there" dagdag pa ng matanda, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ng dalaga sa mga sinasabi ng lola
"Thank you so much lola" anang dalaga at niyakap ang matanda,
"of course for you I will do anything just to make you happy" tugon ng matanda.
Kasalukuyan na namang nakatambay ang dalaga sa labas ng bahay at umupo sa bench malapit sa harden ng ina ng lapitan sya ng ina nito,
"anak pwede ba kitang nakausap?" wika ni Shenny ng makalapit sa kinauupuan ng anak, ngumiti ang dalaga ng makita ang ina nito
"upo ka ma" aya nito at umusong ng kaunti,
"hindi naba kita mapipigilan?" sabi ng ina nito sa mahinang boses, niyakap ng dalaga ang ina
"ma, pagpasensyahan nyo na ni daddy ang agarang decision kong ito ha, alam nyo naman ang pinagdadaanan ko" tugon ng dalaga,
Medyo napaluha na ang ina nito "hindi namin alam kung kailan ka ulit namin makikita ang layo ng France anak hindi ka kaagad namin mabisita doon ng daddy mo"
"hayaan nyo po ma, araw-araw akong tumawag dito para hindi nyo ako ma miss ng labis" sabi bg dalaga,
"hmmm promise mo yan ha" anito sa malambing na boses, natawa ang dalaga sa tinuran ng ina "oo ma promise"
"halika pasok na tayo sa loob, tutulungan kitang mag impake ng mga gamit mo" wika ni Shenny,
"sige ma gusto ko yan hehe" tugon ng dalaga.
Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at dumiretso sa taas at nag tungo sa silid ng anak, nagsimulang mag impaki ang dalawa ng magsalita si Shieda,
"ma, pakitapon nalang po nitong cellphone ko o kaya bigay mo nalang kay ate Rose bibili ako ng bago" aniya,
"ayaw mo na ba ito gamitin?" nagtatakang tanong ng kanyang ina,
"hindi na ma" tugon nito habang tuloy lang sa pag iimpake, hindi na nangulit pa si Shenny at nilagay na sa bulsa nito ang cellphone para ibigay kay Rose mamaya.
Tumayo si Shieda upang kunin ang iba pang gamit sa kanyang closet, nang makaharap ito sa malaking salamin na nasa kanyang closet pinagmasdan nito ang buong katawan ng may makita ang kanyang mga mata na nag papaalala sa kataksilan ni dating nobyo,
kinuha nya ang kwentas na nakasabit sa kanyang leeg at tinapon sa basurahan na nasa ilalim ng maliit na mesa katabi ng kanyang kama at pagkatapos ay tinuloy na nito ang pagkuha sa iba pang gamit na nasa kanyang closet,
"ano kompleto naba ito lahat?" tanong ng ina nito,
"ayos nayan ma, bibili nalang ako ng dagdag dyan doon" tugon nito,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...