💞Chapter 28 Acceptance I💞

79 9 0
                                    

SIMULA ng maging mag kasintahan sina Vince at Shieda lagi na ang mga itong magkasama kung saan gumawa sila ng mga magagandang alala, naipakilala narin ni Shieda si Vince sa lolo't lola nito at pati narin sa kanyang ama at ina,

isang araw habang nagkataong semestral break nila, pinatawag ng ama ni Shieda ang dalawa dahil darating ang lola nito galing France gustong makilala nito kung sino ang kasintahan ng apo,

sa balitang iyon ay kinabahan na si Vince dahil mula simula hindi pa nito nakita ang matanda,

"kinabahan ako Mahal" wika ni Vince,

"chill lang hindi nangangagat ang lola" tugon nito ng nakangiti at may halong biro

napabitaw ng buntong hininga si Vince upang maluwag luwag ang sobrang kaba sa dibdib,

nilapitan sya ng kasintahan at binigyan ng isang mahigpit na yakap,

"Mahal, alam kong tatangapin ka ng lola" anito habang hinagud hagud ang likod ng lalaki,

"salamat Mahal, pero hindi ko parin talaga maiwasang hindi kabahan eh"

"ayos lang yan, bukas pag makausap mo na si lola mawala rin yang kaba mo"

"sige uuwi na muna ako ha, mukhang kailangan ko atang maghanda hehe" anang lalaki

"sige mag ingat ka, salamat sa paghatid" tugon ni Shieda,

bago umalis si Vince nag iwan muna ito ng isang halik sa labi sa kanyang kasintahan.


Naglalakad si Vince pauwi sa kanila at kahit sinabihan na sya ng kasintahan na huwag ng mag alala, hindi parin maalis sa isip nito ang pag alala at kaba sa gagawin nilang pagpakilala sa lola ni Shieda bukas,

Nakarating sya sa kanilang bahay na parang wala sa sarili nag mano sya sa kanyang ina at dumeretso sa likod ng kanilang bahay sumakay sa duyan na naka sabit sa dalawang puno ng mangga,

habang nakahiga sa duyan ginawang unan ni Vince ang mga braso habang nakatingala sa kalangitan at iniisip parin ang gagawin nya bukas,

nasa kalagitnaan sya nag pag iisip ng may maisip itong gawin, nakita nya ang malapad na katawan ng isa sa mga puno ng mangga, bumangon sya sa pagkakahiga sa duyan at pumasok sa loob ng bahay kumuha ng isang kutsilyo at bumalik sa likod ng bahay,

Nakangiti ito ng inukit ang unang litra ng kanyang pangalan at ni Shieda na pumapagitan sa naukit ring hugis puso

"V ❤ S"

naisip nyang medyo OA at julogs ang ginawa nya pero masaya sya kaya hinayaan nalang nito ang sarili,

bumalik sya sa pagkakahiga sa duyan at pinagmasdan ang inukit nito sa puno isang matamis na ngiti lang ang kanyang binitawan habang inalala ang pag ibig nito para sa dalaga.


Sabado ng Umaga naghanda na si Vince upang mag tungo sa bahay nina Shieda dahil maya maya lang ay darating na ang ama nito upang sunduin sila,

habang nag iimpaki ng mga gamit pumasok sa loob ng silid nito ang kanyang ina,

"anak, handa kana ba talagang harapin ang lola ni Shieda?" tanong ng ina nito ng makalapit sa kanya,

tinigil muna ni Vince ang mag iimpaki at hinarap ang ina,

"oo nay, handang handa na ako" naka ngiti nitong tugon

"hindi parin talaga ako komportable sa gagawin mong yan e" may pag alalang wika ni Victoria,

"bakit naman nay?"

nagbitaw ng isang buntong hininga ang ina nito bago sumagot,

"naisip ko lang kasi, baka matulad ka sa naranasan ng ina ni Shieda ng dahil rin sa pagmamahal"

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon