ALAS onse na ng umaga nagpunta si Shieda sa bahay nina Vince, gusto nyang tumulong sa gagawin o lulutuin ng ina ni Vince para mamayang gabi sa kunting salo-salo para sa birthday celebration ng binata,
habang naglalakad si Shieda papunta sa bahay nina Vince nakita nito ang ina ng binata,
"Tita, saan po kayo pupunta?" tawag ni Shieda ng magkasalubong ang ito,
"o anak hindi ba kayo sabay ni Vince umuwi?" tanong nito,
"hindi po, maaga po kami dahil gusto ko pong tumulog sa inyo, balita ko may kunting salo-salo mamaya sa inyo para sa birthday ni Vince?"
"ay, oo ipaghanda ko ang anak ko, sakatunayan nga'y papunta ako ng palingke para bumili ng mga lulutuin ko mamaya" pahayag ni Victoria,
"samahan ko nalang po kayo" pag presenta ng dalaga sa sarili,
"Talaga ayos lang sayo? kailangan ko rin kasi ng kasama eh, alam mo naman lagi kong kasama yung anak ko sa palingke pag nandito lang yun"
"opo, ayos lang hehe" nakangiting tugon ng dalaga,
"naku! maraming salamat at andyan ka, tara" alok ng ina ni Vince,
Naglakad ang mga ito papunta sa terminal ng mga tricycle papuntang palingke,
"kamusta naman ang pag aaral mo hija ayos lang ba?"
"opo, ayos lang naka adjust na po ako, kasalukuyan nga po may mga iilang narin akong kaibigan bukod sa anak nyo kay Roxanne at Harold" masayang balita ng dalaga,
"naku! Ayos yan, kamusta naman ang anak ko palagi ba kayong nagkikita doon?" tanong ni Victoria,
"ahh, hindi masyado ho eh, kasi magkaiba ang building ng department namin"
"ahh ganon ba" patango tangong wika ni Victoria.
Nasa tricycle na sila papuntang palingke ng nagtanong si Shieda,
"marami po ba ang lulutuin nyo tita para mamaya?"
nilingon ni Victoria ang dalaga,
"wala naman kaming bisita, tayo-tayo lang naman kaya kunti lang ang lulutuin ko"
"hindi kasi mahilig si Vince sa mga bungang celebration gastos lang daw hehe" dagdag pa nito,
Napaisip nalang si Shieda kung gaano ka kuripot si Vince, paano nalang kaya kung malaman nito ang halaga ng relong ireregalo nya baka nga ayaw tanggapin.
Sampong minuto lang ang nakalipas nakarating na sila ng palingke at agad din ang mga itong nag simula sa pamimili,
"hija alam kong hindi ka sanay sa ganito, pasensya kana" anang ina ni Vince,
"naku! huwag nyo na pong alalahanin ayos lang po" tugon ng dalaga ng nakangiti.
Natapos ang ginawa nilang pamamalingke, bumalik ang mga ito sa sakayan ng tricycle at dumeretso pauwi sa kanila,
pagdating sa bahay naabutan nila ang dalawang kaibigan ni Vince si Roxanne at Harold,
"uy! nandito rin pala kayo" bungad ni Victoria ng makita ang dalawa na nakaupo sa sala,
sabay na lumingon ang dalawa,
"magandang tanghali po!" bati ni Roxanne,
"tutulong ho kami" wika ni Harold,
"naku! maraming salamat sa inyo" tugon ni Victoria.
Nag simulang mag handa ang lahat para mamayang gabi, hinanda ng magkakaibigan ang mga mesang gagamitin tsaka mga decoration,
![](https://img.wattpad.com/cover/195491678-288-k648718.jpg)
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomantikNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...