💞Chapter 47 Revelation III💞

115 7 0
                                    

ILANG minuto rin ang hinintay ni Shieda bago dumating si Harold sa isang restaurant kung saan nila napagkasunduang magkita, kinabahan si Shieda ng makita ang lalaking papalapit sa kanya, malaki rin ang pag babago nito ngayon kumpara noon,

"Hi! akala ko nakalimutan mo na ako" pabirong bungad ng binata ng makalapit kay Shieda,

bahagyang napangiti ang dalaga,

"pagpasensyahan mo na, hindi ko kasi alam kung saan kita e c-contact eh" tugon nito,

"sabagay, ayos lang. t-tika ano ba't gusto mo akong maka usap?" tanong nito, hindi pala nito nabanggit kanina kung ano ang sadya nito sa binata,

"Mamaya nalang, kakain muna tayo" anito,

"aba'y gusto ko yan hahaha",

napangiti si Shieda dahil sa kinilos at inasta ni Harold wala parin itong pinagbago ang kwila parin.


Pagkatapos nilang kumain, inulit muli ni Harold ang tanong kanina,

"so, ano nga at gusto mo akong maka usap?"

Bumuntong hininga si Shieda bago nagsalita,

"Tungkol kay Vince" walang pag dadalawang isip nitong wika,

napahinto si Harold sa pag inom ng juice at bahagyang napalunok, nakita nito ang lungkot sa mukha ng dalaga,

"m-may alam kaba sa mga nangyari? please sabihin mo sa akin oh, gusto ko syang makita at maka-usap" pagmamaka awa ng dalaga

tinitigan lamang sya ng lalaki,

"Please tell me" muling pagmamakaawa nito,

tumikhim muna ang binata bago tumugon,

"sinabi ni paring Vince sa akin na huwag kung sabihin kahit kanino kung nasaan sya ngunit I-I think kailangan nyong mag usap" tugon nito habang kumuha ng isang maliit na papil at may isinulat, pagkatapos ay inabot nya ito sa dalaga

"Dyan sya ngayon nakatira"

kinuha ni Shieda ang papil kung saan nakasulat ang address na tinuluyan ni Vince,

nagtataka si Shieda, "Hindi ba sya umuwi ng probinsya?"

"Sad to say Shied— Hindi." may lungkot sa boses ni Harold,

"Nong gabing senisanti mo sya bilang Executive assistant mo, tinawagan nya ako at nagpasundo sya sa resort, dinala ko sya sa apartment ko nakiusap syang makituloy muna kahit isang linggo, pumayag ako inofer ko sa kanya na duon nalang tumira ngunit may prinsipyo si Vince ayaw nyang magkautang na loob kaya pagkatapos ng isang linggo umalis ito at nag arkila ng isang apartment" paunang salaysay ni Harold,

biglang nakaramdam ng awa si Shieda kay Vince, tinuloy ni Harold ang sinabi

"ayaw kasi nyang umuwi baka malaman ng pamilya nya ang totoong nangyari kaya sinabi nalang nitong mag arkila nalang sya ng apartment para hindi na malayo ang babyahein, sinubukan nyang maghanap ng trabaho ngunit tinanggihan sya ng mga ito, hindi nya alam kung bakit, nahirapan si Vince dahil siya lang ang inaasahan ng mga magulang nito lalong lalo na ngayon pati si Tita Victoria ay may maintainance naring gamot kagaya ng ama nito, hindi ipinaalam ni Vince sa mga magulang na wala na syang trabaho kasi ayaw nyang mag alala ang mga ito, pati kay Roxanne ay hindi rin ito sinabi dahil alam nyang mag sumbong ito kay tita Victoria" dagdag na salaysay ni Harold,

sobrang nag sisisi ang dalaga kung bakit nya nagawa iyon kay Vince, hindi nya alam ng dahil sa kanya naghirap ang binata, naramdaman nito ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi, alam rin nyang siya ang dahilan kung bakit nahirapang makakuha ng bagong trabaho si Vince,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon