NASA kusina sina Shieda at ang lola nito at katatapos lang nilang mag agahan, habang tinulungan ng dalaga ang matanda sa pag huhugas ng mga pinagkainan, napag usapan ng mga ito ang pag kokoleheyo ng dalaga,
"apo saan mo ba talaga balak mag college?" tanong ng matanda sa dalaga,
"sa totoo lang po din la hindi ko pa alam eh" tugon nito,
"bakit hindi kana lang dito sa probinsya, ayos naman dito" suhestyon ng matanda,
"pag iisipan ko po yan la" aniya,
ilang sigundong katahimikan ang namagitan sa dalawa hanggang sa nagsalita ulit ang matanda,
"kamusta naman pala yung pamamasyal nyo ni Vince kagabi?" tanong ng matanda,
Natahimik muna ng ilang sigundo ang dalaga bago sumagot,
"ahh ayon la, ayos naman Sumali pala si Vince sa Singing Contest hindi man lang sinabi" Aniya
"baka senorpresa kaaaa hahaha" pang aalaska ng matanda sa apo
"hahaha naku! Lola, bakit naman nya ako sosorpresahin ng kanta" saad ng dalaga ng may kunting kunot sa noo,
"dahil special ka para sa kanya ganon" wika ng matanda sabay kibit sa balikat,
Medyo kinilig si Shieda at napangiti sa sinabi ng matanda matapos ma alala ang mga nangyari kagabi, ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay andoon ang kunting pang hihinayang dahil sa maling akala nito na may ibang gusto ang binata,
"aba! kakaibang ngiti yan ah" sabi ng matanda,
"wala naman la" saad ng dalaga at biglang binawi ang ngiti sa mga labi,
"tsk! tsk! naku! apo, hindi mo ako maloloko, kung ikaw ay papunta pa ako pabalik na" bulalas ng matanda,
"wala nga po laaa" pilit nitong pag tanggi,
"sabagay boto naman ako dyan kay Vince mabait na bata magalang at masunurin sa mga magulang" wika ng matanda na syang dahilan at nahulog ang hinawakang tupperware ni Shieda dahil sa pagka bigla,
"lola! ano ba yang pinag sasabi mo? Anas ng dalaga,
"Soooos! huwag muna ipag kaila alam kong gusto mo si Vince" dagdag pa ng matanda,
"lolaaa! hindi yun mangyayari may iba syang gusto magkaibigan lang kami",
"ano! Paano mo nasabi yan? E hindi nga ako nakabalitang nagka girlfriend yung batang yun" sabi ng matanda
"ahh basta lola, narinig ko sya kagabi",
"ano bang narinig mo?,
"naku po! Lola, huwag na natin sya pag usapan" kunot noong pahayag ng dalaga habang pinunasan ang mga basang pinggan,
"uy! ba't ka nakasimangot dyan? Nag seselos ka no?" pang aasar ng matanda,
"ha? Ako? nag seselos? Hindi ahh ba't naman ako mag seselos?"
"nag seselos ka dahil gusto mo sya" biglang tugon ng matanda,
agad namang binaling ng dalaga ang tingin sa matanda,
"lolaaa huwag kang maingay baka may maka rinig sayo" saway ng dalaga sa lola habang nilagay ang isang hintuturo nito sa pagitan ng kanyang ilong at nguso,
"hahahaha So ano nga?" tanong ng matanda,
"anong ano nga?" painosenting turan ni Shieda
"yung ano, totoo ba ang sinabi ko?" dagdag pa ng matanda,
"lola namannnnnn",
"Ano na ngaaaa!" pangungulit ng matanda,
"ehh ano!" nahihiyang sabi ng dalaga,
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...