PAGSAPIT ng alas tres y medya ng hapon excited na si Shieda sa gagawing meet up nila ni Vince,
Kagabi labis ang tuwa ng dalaga ng may nag notify sa kanyang facebook app na friend request galing kay Vince, nakaramadam sya ng kaunting kilig dahil doon,
nag notify pa sa kanya ang mga heart reaction ni Vince sa kanyang mga Post, napangiti ang dalaga ng bahagya,
hindi na muna nito inaccept ang friend request ni Vince, ang ginawa nya'y nag e-stalk pa muna ito,
madalang lang ang post ni Vince pero marami syang followers tiningnan ni Shieda ang profile picture ng binata, daming likes halos umabot ng 1k. tapos daming comment sa kung sino sinong babae,
medyo nainis si Shieda sa ibang comment na nandon, dyos ko! talagang babae ang gumawa ng paraan ha, pero ni isa walang nereplyan si Vince na syang dahilan at napangiti ang dalaga,
walang kalandiang ginawa si Vince, anito sa isip,
nang ma accept nya na ito, biglang tumunog ang kanyang messenger labis ang kanyang tuwa ng makita ang mukha ni Vince sa screen ng kanyang cellphone, tinap nya ito at nakita nyang nag wave ang binata,
hindi nya alam kung ano ang e rereply kaya nag wave back nalang ito,
hanggang sa nag-usap na ang mga ito sa messenger chat, mas lalong kinilig ang dalaga dahil sa pag aya nga ng binata na magkita sila sa oras na ito, kaya naman nang mag aalas tres na ng hapon medyo kinabahan na ang dalaga dahil naisip nito kung ano ang pag-uusapan nila ni Vince.
Papalabas na sa sana si Shieda ng building ng may lumapit sa kanya si Macky kaklase nya,
"Shieda saan ka papunta?" tanong nito,
"uy Mac! ikaw pala ahh sa canteen lang, may kakausapin lang ako" tugon ng dalaga,
"ahh pwede pa sabay? palabas din kasi ako"
"sure tara" pag tugon ng dalaga,
sabay na lumakad ang dalawa palabas ng building, habang naglalakad napag usapan ng mga ito ang tungkol sa kanilang klase kanina,
"ang galing ng prof natin mag present no? Yung talagang maiintindihan mo talaga ang lesson" puri ni Macky,
"oo nga, pati nga ako napahanga nya tapos ang daming alam sobrang talino" saad ni Shieda,
pagkatapos nilang mag-usap nagtawanan lang silang dalawa at lingid sa kaalaman ng dalawa kanina pa pala sila sinubaybayan ni Vince na nasa likod nila, hanggang sa nakarating sila sa canteen at humiwalay na si Macky sa kanya,
"so pano, dito nalang ako" paalam nito sa dalaga,
"sige ingat" anang dalaga,
"ikaw din, see you tommorow" nakangiting bilin ng binata at tuluyan ng umalis,
pagkaalis ng lalaki si Shieda nama'y pumasok na sa loob ng canteen at naghanap ng mapwestohan nang makakita na umupo ito at doon hihintayin si Vince.
Habang si Vince na nasa labas ay sinilip nito ang dalaga sa loob, nakita nyang nagpa linga linga ito naisip ni Vince na sya na ang hinintay ng dalaga, tumingin sya sa kanyang wristwatch alas kwatro na 30 minutes nalang at magsimula na ang klase kaya naman wala na syang sinayang na mga segundo o minuto at pumasok na sa loob,
nakita ni Shieda ang papasok na si Vince biglang nakaramdam ng tuwa at saya ang dalaga dahil sa muling nakita na naman nito ang binata, walang pinagbago gwapo parin ang binata sa paningin ni Shieda,
habang si Vince naman ay nagkunwaring hindi pa nito nakita ang dalaga kaya inikot nito ang tingin sa loob ng canteen, hanggang sa tinawag sya ng dalaga,

BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...