DALAWANG araw palang ng makarating sila sa France agad na namang inasikaso ni Donya Eva ang papasokang paaralan ng apo, napili nito ang isa sa mga kilalang Business School dito sa Paris ang HEC Paris,
agad na kinausap ng Donya ang management ng School.
Sa tulong ng mga kapit ng Donya nakapasok si Shieda sa paaralang iyon ng walang ka hirap hirap,
ngunit gayon paman medyo nahihirapan parin si Shiedang makipag communicate sa mga bagong ka klase dahil kadalasan ang mga itong gumamit ng wikang French kaya naman kinunan na ng Donya ng private tuitor ang apo para lang turuan sa wikang French.
Makalipas ang ilang buwan hanggang sa isang taong pananatili sa Paris na adopt narin ni Shieda ang kultura ng mga French, kaya na nitong makipag usap sa kahit kanino, minsan ng tumawag ito sa pamilya nya sa Pilipinas napahanga ang ina nito dahil fluent na nitong gumamit ng wikang French,
"Ang galing mo ng mag salita ng French anak" natutuwang sabi ng ina nito ng makapag usap sila gamit ang skype,
"may private tuitor kasi ako ma, kaya mabilis akong natuto" masayang balita ng anak,
"kamusta na kayo dyan ng daddy?" dagdag ng dalaga,
"ayos lang kami anak sobra kana naming namiss" wika ng ina nito na may lungkot sa boses,
"maaah, napag usapan na natin to diba?" giit ng anak
"oo na, pasensya kana anak na miss lang talaga kita"
"namiss ko rin kayo ma sobra, pero ma kailangan ko ng ibaba to ha may klase pa kasi ako" sabi ng anak,
"sige anak mag ingat ka palagi, We love you so much" anang ina nito,
"I love you too ma, paki sabi narin kay daddy ikamusta nyo narin po ako kina lola at lolo sa probinsya pati kay King" bilin ng dalaga,
pagkatapos makapag usap sa ina agad nitong tiniklop ang kanyang laptop,
"Allons-y" (lets go) aya ng isang boses mula sa kanyang likod, si Maguelone sya ang naging bestfriend ni Shieda dito sa school nila, agad na tumayo ang dalaga at sumunod sa kaibigan bitbit ang isang libro
"J'ai de bonnes nouvelles" (I have good news) nakangiting wika ng dalaga,
"Dis-moi" (tell me)
"J'ai déjà dit oui à Julian" (I already said yes to Julian) masayang balita nito sa kaibigan,
tuwang tuwa ang kaibigan sa binalita ni Shieda, si Julian ang matagal ng manliligaw ni Shieda mula nong pinakilala ito ng lola nya sa kanya, si Julian ay isa sa mga anak ng kanilang Business partner at mula noon lage ng umaaligid sa kanya ang nasabing lalaki at lumipat narin ito sa eskwelahang pinapasokan ng dalaga,
alam ni Shieda na tipo sya ng lalaki dahil sa pinapakita nitong concerns sa dalaga, sa totoo nga lang si Julian ang tumulong sa kanya upang maka move on sa dating pag ibig,
mabait ang binata magalang at maalaga kaya hindi inaasahan ni Shieda na nahulog narin pala ito sa binata, sa halos isang taon at kalahati nitong panliligaw ngayon ay officially on na sila.
Pagkatapos ng klase umuwi ang dalaga sa bahay nila dito sa Paris, nakita nya ang kanyang lola na nakaupo sa kanilang living room nilapitan nya ito at binigyan ng isang halik sa pisngi,
"Good thing You're here" wika ng matanda,
"Is there any problem la?" tanong nito,
Ngumiti muna ang matanda bago sumagot
![](https://img.wattpad.com/cover/195491678-288-k648718.jpg)
BINABASA MO ANG
My Endless Treasure (Completed)
RomanceNasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo. Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti. Kilalani...