💞Chapter 51 The End III💞

148 7 0
                                    

PUMASOK si Shieda sa loob ng simbahan kunti lamang ang tao lahat nakayuko upang mag dasal,

humanap ang dalaga ng pweding ma pwestohan ng makakita agad itong lumuhod at nag dasal,

pinagdasal nito ang kaligtasan ni Vince sa ibang bansa pati sa kani kanilang pamilya,

sa pag angat ni Shieda ng ulo bigla itong napatigil dahil sa nakita,

Tatlong pulang rosas ang nasa tabi nya kaya tuloy naalala na naman nito si Vince, kukunin na sana nito ang mga bulaklak ng biglang inunahan sya ng isang lalaking katabi,

Medyo nainis si Shieda tiningnan nya ang lalaki, binigay ng lalaki ang tatlong rosas sa babaing kasama,

Napalunok si Shieda dahil sa akalang para sa kanya ang mga rosas na 'yon,

"asumera ka naman Shieda" anito sa sarili at agad na tumayo at lumabas ng simbahan.


Wala pa sa bahay ang ina nito nagtataka si Shieda kung bakit laging busy ang ina nito pati ang kanyang daddy hindi naman ganito dati ang ina lagi nya itong naabutan sa bahay sa tuwing uuwi sya at pag tinatanong kung saan galing tanging tugon lamang ay may inasikaso lang,

Hindi naman nangulit ang dalaga dahil baka personal na bagay ito ng ina

"Ate Rose, hindi paba naka uwi sina Mama?",

"hindi pa po ma'am kasama nga kanina ang daddy mo" tugon ni Rose,

"hindi ba sinabi kung saan pupunta?" dagdag ng dalaga,

"pasensya na po ma'am hindi po sinabi eh",

Napabuntong hininga si Shieda,

"si lola?"

"natutulog na po".


Sa mahigit isang taong pamamalagi ng donya sa Pilipinas gumaling ito at bumalik sa dati ngunit hindi na pinayagan ni daddy na bumalik muli sa France,

natutuwa ang dalaga dahil magkasundo na ang lola at ina nito, minsan nga ilang besis silang magkasamang umalis sabi mamasyal daw,

Napansin nga talaga ni Shieda ang pagbabago ng donya kaya naman madali lang sa kanya ang patawarin ito.


Kinabukasan naabutan ni Shieda ang ina sa kusina,

"ma anong oras kayo naka uwi kagabi?" tanong nito kasabay ang pag upo sa harap ng ina

"Mabuti at gising kana hali ka kumain kana" alok ng ina

"maaga pa kami naka uwi anak pero tulog kana" tugon nito sa tanong ng anak

"saan ba kayo nag punta kasi?" aniya habang nilagyan ng pagkain ang platong nasa harap

hindi kaagad nakapagsalita si Shenny,

"a-ahh, pinasama ako ng daddy mo birthday daw ng isa sa kaibigan nya"

tumango lang si Shieda,

"si daddy pala?",

"kaka alis lang, anak pwedi mo ba akong samahan saglit mamaya?"

napahinto sa pag subo si Shieda,

"saan ba ma?" sambit nito

"may pupuntahan lang akong isang botique" anito,

"ma, kailangan ako sa opisina eh" pag tanggi ng anak,

"anak sige na saglit lang naman eh" pag lambing ng ina, nadala naman si Shieda kaya napasama ito ng ina,

"sige-sige basta mabilis lang tayo ha marami pa akong gagawin sa opisina" anang dalaga,

My Endless Treasure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon